Maraming mga sabungero sa ngayon ang dumadaing sa mga kumpanya ng feeds kasama na rin sa gamot dahil nahihirapan na sila krisis epekto ng...
Maraming mga sabungero sa ngayon ang dumadaing sa mga kumpanya ng feeds kasama na rin sa gamot dahil nahihirapan na sila krisis epekto ng Covid. May mga ilan nga na tumigil na lang sa pagmamanok.
Kaya't nananawagan na sila matulungan naman sana sila ng mga ito. Kung hindi man sila magbigay ng feeds sana ay magbaba naman sila ng presyo.
Kumasa sa hamon ng mga sabungero ang Thunderbird, isa sa mga pinakamalaking kumpanya ng feeds para sa manok-panabong sa Pilipinas.
Sa larawan na ipinaskil ng Purebreed Warrion Magasin, isang digital na babasahin para sa mga sabungero ay makikita na mayroon nang mga nabigyan ng patuka. Umpisa pa lang daw ito nang pagtulong mg Thunderbird sa mga magmamanok.
Marami naman ang napapa-Sana All na sana ay marating ang kanilang lugar para mabigyan din ng feeds.

COMMENTS