Si Robie Yu Panis, gaffer at farm manager ng Firebird Gamefarm ni Biboy Enriquez ay talaga namang matunog na ...

Si Robie Yu Panis, gaffer at farm manager ng Firebird Gamefarm ni Biboy Enriquez ay talaga namang matunog na matunog ang pangalan sa mundo ng sabong na dati-rati ay pinangingibabawan ng mga lalaki. Isa siya sa mga nagbago ng paniniwala na ang sabong ay para lamang sa mga barako. Puwede rin pala ito para sa mga babae.
Siyempre, kapag babae ka 'di talaga maiiwasan na medyo mailang ka. Iba nga kasi ang pagtingin ng maraming babae sa sabong. Para sa kanila, ito lamang ay isang bisyo kaya alangan sila na pasukin ito. Ganito rin naman noon si Ms. Robie, hindi rin siya aware kung ano nga ba ang mayroon sa sabong at bakit maraming nahihilig dito. Pero nang pasukin niya ang sabong, doon niya nalaman na napakasaya talaga nito at tunay nga naman na isa itong lehitimong sport. Mula nang pasukin niya ang mundo ng sabong ay ginawa na niya itong career.
Panoorin ang video:
COMMENTS