Photo Credit: Kate & Kurt Peruvian Breeder Fb page Napapag-uusapan ngayon ng ilang mga sabungero kung humupa na ba a...
![]() |
| Photo Credit: Kate & Kurt Peruvian Breeder Fb page |
May mga
nagsasabi na ‘di nila gusto ang Peruvian dahil bukod na sa pangit ang hitsura
ay ‘di pa mailag. Pang-dragfight lang daw sila dahil kulang sa diskarte. Isa
pa, napakamahal pa ng presyo . Saan mo nga naman daw ito ilalaban? Eh,
dadalawang beses pa lang naman nagkaroon ng pasabong ng Peruvian sa bansa? Sa
una ay Graded Peruvian pa at ang pangalawa ay para naman sa heavy weight.
Kanya-kanya
lang naman ng kagustuhan ‘yan sa manok. Wala namang problema kung ayaw nila sa
Peruvian. Kung ano ang gusto mong manok ay doon ka, napakasimple.
Kung
tutuusin ‘di pa naman lumamlam ang kasikatan ng Peruvian. Kahit sinasabi ng iba
na ‘di ito kasing ingay ng dati.
Katunayan, marami nang mga breeder ang nag-alaaga ng Peruvian kabilang
na riyan si Ed Jaraba ng Kate & Kurt Gamefarm. Dati ay Wester fowls ang
kanyang bini-breed, pero nang mahilig sa Peruvian ay ito na ang kanyang
pinalahi. Bukod kay Ed, nariyan din si Guid Mar Magdadaro na kilala ring
Peruvian breeder.
Kahit
ang ibang mga nagpapalahi ng Western fowl ay nagbi-breed din ng Peruvian.
Inihahalo nila ito sa Texas para mapaliit at maging malakas ang kanilang
panlaban. Ganito ang ginawa dati ni Vic Lacsao, may dugong Peruvian ang manok
na kanyang ginamit noong magkampeon siya sa BAKBAKAN. Maging ang kilala ring
breeder na si Manny Delleva na y nagpapalahi rin ng Peruvian.
Marami
ang mga nagbi-breed ng Peruvian dahil maganda ang market nito. Hindi sa
Pilipinas ang pangunahing bansa na kanilang pinagbabagsakan ng manok na ito
kundi sa ibang bansa kung saan ay mayroong labanan ng Peruvian gaya sa
Indonesia, Malaysia, Vietnam at iba pa. Naibibenta kasi nila ito sa magandang
presyo. Sabi nga ni Raymond Ocampo ng Emongski Gamefarm na isa ring Peruvian
breeder, itlog pa lang may bumibili na. Pero siyempre, mayroon din namang mga
nagbibenta ng Peruvian na mga Pinoy ang suki. Ilan sa kanila ay mga naging
matagumpay na. Mayroon kaming narinig na dahil sa pagbi-breed ng Peruvian ay
nakapagpundar na ng mga ari-arian at nakapagpatayo pa ng bahay.
‘Yun
nga lang dahil sa sumikat nang husto ang Peruvian ay napasukan din ng mga
nagbibenta na nagsasabing pure Peruvian ang kanilang ibinibenta. ‘Yun naman pala hindi dahil mahinang klase
lang. Inisip tuloy ng mga nakakuha sa kanila na ‘di pala maganda ang ganitong
manok. Kaya’t ipinapayo ng iba na kung may pera rin lang ay dumirekta na sa
Peru. Kung hindi naman, siguraduhin lang na tapat ang mapagkukunang breeder
nang sa gayun ay ‘di madismaya.
Kung
humupa na ang kasikatan ng Peruvian sa Pilipinas, masasabing hindi pa dahil
marami na ring tumatangkilik sa manok na ito. Maaaring dumating ang araw na
marami nang magsasagawa ng sabong para rito lalo na’t mayroon ng mga samahan ng
mga Peruvian breeder sa bansa natin.

COMMENTS