Napakalungkot ang mawalan ng minamahal sa buhay. Hindi mo maipaliwanag kung ano ang sakit na ...
Napakalungkot ang mawalan ng minamahal sa buhay.
Hindi mo maipaliwanag kung ano ang sakit na iyong nararamdaman. Hindi lang
naman tao ang hinahanap-hanap natin kapag nawawala kundi pati na rin ang alaga
nating hayop kabilang na rito ang manok.
Pinag-uusapan
ngayon ng mga sabungero ang mga larawan na ipaskil ng nagngangalang George
Trance Otayde sa Fb group na Kapcm (Knowledge in Accurate and Precise
Conditioning Method). Makikita sa isang larawan ang kanyang manok na wala ng
buhay. Habang sa isa pang larawan ay mayroon pang bulaklak sa ibabaw ng libingan kung saan nakasulat ang Warrior Parot. Nagpapasalamat siya sa panalong naibigay sa
kanya ng manok niyang ito.
Hindi
lang ito ang unang beses na nagbigay pugay si George sa kanyang nasawing manok.
Mayroon na rin siyang ipinost na kahalintulad ng ganitong mga larawan sa nasabi ring grupo. Waring
nakaugalian na niya na kapag namamatayan siya ng manok ay inililibing niya ito na punung-puno ng respeto at pagmamahal. Ginagawan pa niya ito ng lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng kayang panlaban.
Gaya
nang dati ay marami uling nakiramay at humanga sa ginawang pagpapahalaga ni George
sa nasawi niyang panlaban.



COMMENTS