Tatlong katao ang nasawi habang anim ang nasugatan sa riot sa loob ng sabungan noon...
Tatlong katao ang nasawi habang anim ang nasugatan sa riot
sa loob ng sabungan noong Biyernes Santo sa Sitio Tabulago, Barangay Budlasan,
Canlaon City, Negros Oriental.
Sa
panayam sa telepono ng Inquirer, sinabi ni Chief Insp. Wilfredo Alarcon na
personal na alitan ang nagbunsod sa dalawang grupo para mag-riot. Nangyari diumano
ang riot bandang alas-tres ng hapon.
Ang mga
nasawi ay parehong lider ng dalawang grupo na sina Elmer Patiña at Glen Galvan, kasama ang isang nagngangalang Victor Bravo.
Ang mga
nasugatan naman ay kinilalang sina Jeric Patiña, Mark Glenn Galvan, Alex
Taburada, Edmund Galvan, Nemenio Bucog at isang lalaki na kinilala lang sa
pangalan na Peligrino.
Sinabi
ni Alarcon na nag-ugat ang galit ng dalawang lider sa isa’t isa ng minsang
magkaaway na ang mga ito sa loob ng sabungan. Nang muli silang magkita noong Biyernes Santo ay
sumiklab ang riot sa pagitan ng kanilang mga grupo. Hinihinalang lasing o
nakainom ang mga ito.
Source: Inquirer

COMMENTS