Kailanman ay ‘di hadlang ang pagmamanok o pagsasabong para magtagumpay sa buhay. Nasa pagdadala na rin kasi ito. Kapag maingat...
Kailanman ay ‘di hadlang ang pagmamanok o pagsasabong para magtagumpay sa buhay. Nasa pagdadala na rin kasi ito. Kapag maingat ka at may disiplina ay siguradong magiging maganda ang bunga.
Isa
na namang estudyante na magmamanok ang nagbahagi ng kanyang larawan na nakasuot
na toga habang may hawak na manok. Ang estudyante ay kinilalang si Adrian Turla
Mallari na nagtapos ng Bacchellor of Science in Electrical Engineering.
Ayon
sa post ni Mallari, ang buhay ay parang sabong hangga’t pumapalo ka pa ay may
pag-asa pa. Halaw ito sa quote ng mga sabungero na nag-viral sa Facebook. Kaya’t
ang payo niya ay huwag mawawalan ng pag-asa hangga’t nabubuhay. Dahil ang
nagwawagi ay ‘d sumusuko at ang sumusuko ay ‘di nagwawagi.
Sinabi
ni Mallari na bagama’t nagmamanok siya ay ‘di ito naging hadlang sa kanyang
pag-aaral. Ang maganda pa ay naging malaking tulong ito sa kanyang pag-aaral.
Madalas kasi ay dito siya nakakakuha ng kanyang pantustos kapag mayroon siyang
mga bayarin sa eskuwelahan.
Idinagdag
pa ni Mallari na di importante kung naging matagal man ang laban. Dahil ang
importante ay ‘di ka bumitaw sa laban.
Maraming netizen ang humanga sa mga tinuran ni Mallari. Lahat sila ay bumabati sa kanyang pagtatapos. Hiling pa ng iba na makapasa siya kapag kumuha na siya ng board exam.

COMMENTS