Madalas na mahusgahan ang mga sabungero man o sabungera na isang sugarol. Pero sa paglipas ng mga taon, pinapatunayan lang ng...
Madalas
na mahusgahan ang mga sabungero man o sabungera na isang sugarol. Pero sa
paglipas ng mga taon, pinapatunayan lang ng mga bumubuo sa industriya na ‘di
lang ito basta isang sugal kundi isa itong lehitimong isport. Katunayan
napakarami nang mga asosasyon ng mga breeder sa buong Pilipinas. Marami ring
malalaking papremyo sa mga pasabong ng ibang asosasyon. Pero hindi lang naman
pera ang nais masungkit ng mga sumasali rito kundi ang karalangan na
mapapabilang sa mga nanalo sa isang prestihiyosong derby.
Bilang
sabungera, ramdam din ng muse ng sabong na si Janine Gonzales ang panghuhusga
ng ibang mga tao. Umani ng maraming likes, shares at comment ang kanyang post
tungkol sa pagtatanggol niya sa sabong laban sa mga kumakalaban dito. Aniya,
2018 na ngayon, ang sabong ay isa ng national sport. Bagama’t isa diumanong
sabungera si Janine ay suportado naman siya ng mga taong mahal niya.
Sa
mga ‘di nakaiintindi ng sabong, iginiit niya na ang sabong ay billion industry dito
sa bansa natin. Dahil dito, marami na itong nilikhang trabaho at marami ring
nagkaroon ng negosyo. Para sa kanya at sa iba pang nagmamanok, isa itong
passion at dito sila masaya. Naniniwala si Janine sa kasabihan na “live your life to the
fullest”. Kaya’t hiling niya na huwag sana husgahan ang mga kagaya nilang
nagmamanok. Bago magsalita ng kung anu-ano, bakit ‘di raw muna subukan ng mga
kritiko na mag-alaga rin ng manok para malaman nila kung gaano ito kasaya?


COMMENTS