Marami tayong naririnig o nababasa na mga komento na madaya diumano ang naging hatol ng ilan...
Marami tayong naririnig o nababasa na mga komento na
madaya diumano ang naging hatol ng ilang sentensyador sa isang sabungan. Anila
ay hindi patas dahil mukhang mayroong kinikilingan. Bukod dito ay katakut-takot
na batikos pa ang inaabot ng mga pinagududahang sentensyador.
Bilang
pruweba ay maraming mga sabungero ang naglalabas ng video na kuha mula sa
cellphone camera. Napakabilis nitong kumalat sa social media. Ang nangyayari
pa, nakakaladkad ang pangalan ng mga sabungan.
Pero
‘di lahat nang ating nakikita o napapanood ay ‘yun agad ang katotohanan.
Mayroon kasing kuha na malabo at iisang anggulo lang ang nakikita.
Isang
promoter na nagngangalang Karl Mendiola ang nakaisip na pasuotin ng GoPro ang
kanilang mga sentensyador sa Floridablanca Cockpit sa may Pampanga at
magsisimula ito sa March 31. Layunin nitong maging patas o parehas ang laban sa kanilang sabungan.
Ayon kay Karl, ito ay kauna-kaunahang gagawin sa kanilang bayan.
Maraming
mga sabungero ang natuwa sa naturang hakbang ni Karl, sa pamamagitan ng GoPro
ay makikita nang malapitan ang laban kung kaya’t napakadaling tingnan kung tama
ba o hindi ang hatol kung sakaling mayroong magreklamo.
Ayon
sa cocker-breeder na si Roy Gonowon ng Sagrada Battle Farm, sana lahat ng
may-ari at management ng sabungan ay gayahin ang ganito para naman ma-upgrade
ang sistema ng mga sabungan sa atin.

COMMENTS