Maraming mga sabungero sa atin ay magkakapatid. ‘Di naman ito nakapagtataka dahil namana nila ang pagmamanok mula sa kanilan...
Maraming
mga sabungero sa atin ay magkakapatid. ‘Di naman ito nakapagtataka dahil namana
nila ang pagmamanok mula sa kanilang ama o ‘di-kaya’y lolo. Kumbaga, dugong
sabungero ang nananalaytay sa kanilang mga ugat. Pero kung may magkapatid man
na breeder na kinikilala sa bansa natin, ‘di mawawala sa listahan ang
magkapatid na sina Marlon at Martin Escolin ng Roxas City.
Nakilala
ang Escolin Brothers sa kanilang signature line na Sweater at Boston Roundhead.
Bagama’t magkapatid, minabuti nilang maghiwalay sila ng kanilang farm para
maisagawa ang kani-kaniyang kagustuhan sa pagmamanok.
Ang
farm ni Marlon ay tinatawag na San Francisco Gamefarm habang kay Martin naman
ay Green Country Gamefarm. Kahit magkaiba man ng farm,’di sila maaaring
paghiwalayin. Hindi dahil sa magkadugo sila kundi pareho silang mahusay
magmanok. Kapag may nagbanggit ng pangalan ng isa, tiyak na kasunod nang
mababanggit ang pangalan ng isa pa.
Noong
umpisa ay maliit lang ang manukan ng Escolin Brothers, pero dahil lagi silang
nauubusan ng manok kaya’t kada taon ay nadadagdagan ang sukat ng kanilang farm.
Lalong umingay ang kanilang pangalan nang magkampeon sila sa World Slasher Cup 2
noong 2017. Wala namang silang sikreto kung bakit sila nagkampeon.
Kinakailangan lang diumano na mayroon kang passion at devoted sa pagpapalaki ng
manok. Importante rin na kapag nag-aalaga ng manok ay malayo sa sakit mula
sisiw hanggang sa lumaki na ito.
Ang
kanilang Boston ay nanggaling kay Lancey dela Torre na kilala sa pagkakaroon ng
ganitong bloodline. Inihalo nila ito sa kanilang Sweater at naging maganda ang
kinalabasan. Kaya’t buhat noon ay minantine na nila ito. Ang orihinal na Boston
ay maliit lang ang sukat, pero napalaki nila ito sa pamamagitan nang paghahalo
ng matangkad na manok. Si Marlon, para masabi niyang matangkad ang isang manok
ay ‘di na niya sinusukat pa ang katawan nito gaya nang ginagawa ng iba. Basta
siya, kung matangkad sa paningin niya ay ayos na ito.
Maliban
sa Sweater at Boston Roundhead, ilan pa sa linyada na mayroon si Marlon ay 5
Thousand Dollar line na galing sa RED Gamafarm, Gilmore at mayroon din siyang
Whites na galing sa dalawang pamilya- ang Zamboanga White at Joe Zannino White
na galing kay Benedict Granada ng Kabankalan. Inihahalo niya ang Zannino White sa
Sweater Boston na babae. Kapag nagkakaroon ng supling ay nagiging sinabalang na
white legged, straight at peacomb.
Si
Martin naman, prep pa lang siya ay nahilig na sa
manok. Hindi na ito nawala pa sa kanyang sistema hanggang ngayon na puti na ang
kanyang buhok. Siya ang tipo ng breeder na ‘di natatakot na mag-ekspiremento.
Dati kasi kagaya sa iba, ang kanyang manukan ay mapuno rin. Napansin niya na ‘di
gaanong active ang mga manok hindi katulad nang inilagay niya ang kanyang mga
manok sa open range area na walang masyadong puno. Mas nagri-react diumano ang
mga ito sa kanilang environment. Isa pa, mas mapula ang kanilang mata.
Bagama’t
may malaking farm, gumagamit na rin ng battery type sa pagpapalahi si Martin pati na si Marlon. Mas maganda raw kasi ito dahil mas maraming naipu-prodyus na
itlog ang inahin dahil siguradong mabababahan ng tandang kumpara sa breeding
pen na may kung ilang kapares ang tandang. Isa pa, ‘di rin sila nababasa kapag
may bagyo. Kailangan nga lang silang alagaan ng vitamins para maging malakas
ang kanilang resistensya lalo’t ‘di sila gaanong nasisikatan ng araw.
Si
Martin ay mayroon ding Grey sa kanyang manukan. Nakuha niya ito mula kay Dave
Aranez, tatay ni Edwin Aranez. Nang mapunta ito sa kanya ay 3 time winner na
ito. Pero inilaban pa nila ito sa mga
event hanggang sa maging 7th time winner ito. Ang mga supling ng
nasabing Grey ay maganda pa rin ang
performance hanggang sa ngayon.
Hindi
lamang sa Western fowl, mahilig si Martin, sa ngayon kasi ay nag-aalaga rin
siya ng Asil at sumasali sa mga torneo para rito. Sa Asil daw, pagalingan
talaga ng manok dahil endurance ang pinag-uusapan dito. Hindi kagaya sa slasher
na puwedeng makatsamba.
‘Yan
ang Escolin Brothers, astig na magmamanok!

COMMENTS