Lagi nating naririnig ang pagiging sabungero ay namamana o nasa dugo na dahil ang pamilyang pina...

Lagi nating naririnig ang pagiging sabungero ay
namamana o nasa dugo na dahil ang pamilyang pinagmulan ay mga magmamanok din.
Totoo ito, pero ‘di laging ganito dahil mayroon din namang iba ang mga
nahiligan kahit galing sila sa pamilya ng mga sabungero. Kaya mapalad ang mga
tatay na may anak na nahihilig sa manok dahil magkakaroon sila ng successor.
Katulad
ng batang si Kyrie Agranum na isang taon at tatlong buwan pa lang ang edad ay
napakahilig na sa manok. ‘Di pa siya noon nakalalakad ay napansin na ng kanyang
pamilya ang pagkahilig nito sa manok. Nang matuto nang maglakad ay doon na ito
nagsimulang maghahawak ng tandang at ng sisiw.
![]() |
| Si Kyrie at ang kanyang ama na si Ace Robertson Agranum |
Ang
hilig sa manok ni Kyrie ay namana niya sa kanyang ama na si Ace Robertson Agranum
na isang masinop na sabungero. Mayroon din siyang tito na seaman na
nagngangalang Aron Robin Baciles Agranum (kapatid ni Ace) na mahilig din sa
manok. Si Aron ay tumutulong sa pagpi-finance kapag mayroon silang laban.
Hindi
lang basta mahilig si Kyrie sa manok, nagsisilbi rin itong pantahan sa kanya
kapag siya ay umiiyak. Gustung-gusto nitong humawak ng manok at ang kanyang
paborito ay Dalusapi na dirty feet. Kapag nasa manukan nga ay nanghahabol pa ito
ng manok na nakatali. Sumasama pa nga raw sa loob ng scratch pen. Ang pagpunta-punta
sa manukan ay nagsisilbing bonding ng mag-ama.
Kapag
nanunood ng sabong sa internet ang ama ay nakikinood din si Kyrie. At kapag may
nagtatanong kung nasaan ang ama, sinasagot nito na “Wala, nagsasabong.” Sa
murang edad, exposed na agad ito sa sabong. Kaya’t malamang magiging sabungero
rin siya balang-araw.
Noong
bininyagan nga raw si Kyrie, ilan sa inahanda para sa kanya ay pigura ng manok
na gawa sa pinya ng kanyang tito Aron na isang cook at fruit carver sa barko. Noon namang birthday ngkanyang Tito Ted Rivera na isang mahusay na magmamanok sa Bataan at Rizal ay nagpa-picture si Kyrie sa cake na mayroong korteng manok sa ibabaw.
![]() |
| Sina Aron, Ato Torres at Erwin (Ninong and Titos) |
![]() |
| The Rak's Sports Bar & Grill, Bagac Bataan na pagmamay-ari ni Ato Torres |
Hindi
lamang ang ama at tito ni Kyrie ang mga magmamanok kundi pati na rin ang ilan
sa kanyang mga ninong ay mga mahuhusay na magmamanok sa Bagac, Bataan. Tuwang-tuwa
ang mga ito dahil mayroon silang inaanak na mahilig sa manok.
![]() |
| Nanay ni Kyrie |
Mayroong
kuya si Kyrie na 8-taong gulang kagaya niya ay mahilig din ito sa manok.
Suportado naman sila ng kanilang nanay sa hilig nilang ito. Ganun din ang
kanyang Tito Aron na kapag nasa Pilipinas ay nakikipag-bonding sa mga pamangkin
sa pamamagitan ng manok.
Sinabi pa ni Aron na napakalaking
bagay nang pagsasabong ng ama ni Kyrie. Masinop kasi ito pagdating sa pera.
Kapag nananalo nga raw ito sa sabong ay may magandang pinaggagamitan ang pera.
Dahil sa parte na nakuha sa premyo sa sabong ay nakapagbiyahe ang pamilya ni
Kyrie sa Singapore. Nakapagpundar din ito ng motor pati ang bakod sa kanilang
bahay ay galing din sa katas ng sabong. Si Aron naman ay nakapagpagawa ng
kulungan ng baboy dahil din sa premyo sa sabong. Kaya’t umaasa si Aron na
magiging mabuti silang ehemplo para kay Kyrie na naging maganda ang dulot ng
pagmamanok o pagsasabong.
May
mensahe si Aron sa ibang magsasabong para maging isang masinop na sabungero. “Gawin
n’yo lang libangan ang sabong at huwag gawing bisyo para maging maayos ang
pamumuhay. Maging matalino din sa paghawak ng pera. Unahin ang pamilya bago ang
sabong”.
Para
naman kay Kyrie, paglaki raw nito ay mag-aral lang itong mabuti. “Ang sabong
and’yan lang naman ‘yan. Basta ako ibibigay ko ang hilig ni Kyrie at ng kuya
niya. In the future, baka silang magpipinsan ang sasalo ng mga maiiwan namin,”
sabi pa ni Aron.








COMMENTS