Sa Arkansas, inaresto nang pinagsanib na puwersa ng ICE agents at ng ilang federal agencies ang m...
Sa Arkansas, inaresto nang pinagsanib na puwersa ng
ICE agents at ng ilang federal agencies ang mahigit sa isang daang katao
habang nagsasagawa ang mga ito ng iligal na ssabong.
Ang
pag-aresto ay naganap sa Sevier County North of De Queen, nasa 125 miles
southwest ng Little Rock.
Ayon
kay Sevier County Sherrif Robert Gentry, nakarating sa kanilang kaalaman na magkakaroon
doon ng sabong kung kaya’t agad silang nakipag-ugnayan sa ilang law enforcement
agencies para makapagsagawa ng operasyon.
Ilan
sa mga inaresto ay ang mga pasimuno ng sabong kasama na rin ang mga mananaya.
Ayon sa otoridad, mahigit dalawang daang manok-panabong ang kanilang nakumpiska
sa nasabing operasyon.
Bago
ang pagsalakay, may labingwalong buwan na mula nang umpisahan nilang manmanan
ang pinagdadausan ng sabong.
Source: Hispanos En Los Esclavos Unidos Fb page




COMMENTS