Nagluluksa ngayon ang mundo ng sabong dahil pumanaw na ang beterano at Amerakino...

Nagluluksa
ngayon ang mundo ng sabong dahil pumanaw na ang beterano at Amerakinong gamefowl
breeder na si Bruce Barnett ng Nauvoo, Alabama.
Si
Barnett ay nakilala sa linyanda niyang Sweater na kung tawagin ay Barnett
Sweater na alinsunod sa kanyang apelyido.
Base sa
mga kuwento, ang Sweater ni Barnett ay nanggaling kay Carol Nesmith. Nakakuha
siya rito ng $5000 line at Possum saka niya ito pinaghalo. Pero nakakuha rin
siya ng Sweater kina Sonny Ware at Newton Wade. Mula sa mga ito ay nagdebelop na siya ng sariling
Sweater. Maraming nakapansin sa husay ng kanyang Sweater kaya naman naging
bantog ang kanyang pangaan sa larangan ng sabong. Hindi lamang siya sa
Pilipinas maraming tagatangkilik kundi pati na rin sa Mexico.
Ayon sa
mga tagahanga ni Barnett, ‘di nila ito makalilimutan sa kanyang naging ambag sa
industriya ng sabong. Nawala man siya sa mundong ito ay mananatiling buhay ang
kanyang alaala sa pamamagitan ng kanyang linyada. Patuloy diumano nilang
iingatan ang kanyang Sweater.
Panoorin ang video ng isa na sa mga nakabisita sa farm ni Bruce Barnett:
COMMENTS