Matagumpay na naidaos ang Araw ng Davao Celebration 6-Cock Derby sa pangunguna ni Mr. Dory Du na ginanap mula March 10...
Matagumpay
na naidaos ang Araw ng Davao Celebration 6-Cock Derby sa pangunguna ni Mr. Dory
Du na ginanap mula March 10, 13, 15 hanggang 17 sa New Davao Matina Gallera. Mahigit
22 million ang naging guaranteed prize sa sabong na ito at mayroon itong
minimum na taya na 11 thousand pesos.
![]() |
![]() Photo Credits: New Davao Matina Gallera |
Nasa mahigit na dalawaang daang entries ang naglalaban sa Araw ng Davao. Sa mga ito, apat na entries ang itinanghal na mga kampeon. Ang unang nagkampeon ay Knights GF nina Boboy Bonghanoy/EMM Miranda/Ondoy B. Sinundan ito ng Jundolim nina Jun Lao-Davao. Ang pangatlo naman ay ang CPB Roan JB nina Jun Bacolod-Malita at ang panghuli ay ang VM Bluefire SF 2 nina Bebot Uy-Samal.
Nagpapasalamat
ang pamunuan ng New Davao Matina Gallera sa lahat ng mga sumali at nanood ng
kanilang pasabong. Nag-aanyaya sila na muling magkita-kita sa March 2019 para
sa susunod na Araw ng Davao Celebration 6-Cock Derby. Siguradong muli itong
magiging kaabang-abang dahil mahigit 24 million ang nakalaang guaranteed prize rito.






COMMENTS