Talaga namang mga peste kung ituring ng mga sabungero ang mga magnanakaw ng manok. Kahit sino ay kanilang ...
Talaga
namang mga peste kung ituring ng mga sabungero ang mga magnanakaw ng manok.
Kahit sino ay kanilang binibiktima. Basta’t makakita sila ng pagkakataon ay
sumasalakay sila. Ang iba ngang mga magnanakaw ng manok, maramihan kung
mangulimbat. Alam kasi nilang may presyo ang manok-panabong. Madali rin nila
itong ma-dispose dahil maraming mahilig dito. Kaya’t sa mga binibentahan ng
manok, suriin muna kung nakaw ba o hindi ang manok.
Isang
Facebook user na nagngangalang Jannine Aguirre Manzano ng Abucay, Bataan ang
nanlumo na lamang matapos manakaw ang mga alaga nilang manok-panabong. Wala
siyang nagawa kundi mag-post na lang ng kanyang selfie na may background na mga
manok. Uso naman ngayon ang paglalagay ng caption na “Selfie muna bago…” Sa
kanya naman ay ‘Selfie muna bago ninakaw.’
Ayon
kay Jannine, mga bandang 12am hanggang 3am nang nakawin ng mga kawatan ang
kanilang mga manok. Anim na manok diumano ang nakuha sa kanila. Pinutol ng mga
magnanakaw ang tali para mabilis silang makasibat. Napagtanto niya na ‘di lang
pala pera at ang mga gamit ang ninanakaw ngayon kundi pati na rin ang mga
alagang hayop.
Hiling
pa ni Jannine na sana ay tukain ang konsensya ng mga magnanakaw kung may
kunsensyang pang natitira ang mga ito. Ganun pa man ay nagpapasalamat pa rin
siya sa Panginoon dahil walang masamang nangyari sa kanila. Ipinapayo niya rin
sa lahat ng mga nag-aalaga ng manok na maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

COMMENTS