One hundred fifty (150) na katao ang inaresto kabilang na ang isang konsehal, mga pulis, sundalo at ilang government employee ...
One hundred fifty (150) na katao ang inaresto
kabilang na ang isang konsehal, mga pulis, sundalo at ilang government employee
nang magsagawa ng raid kontra sa operasyon ng iligal na sugal sa online sabong
sa may Baliwag, Bulacan noong Biyernes ng gabi.
Sa
ulat ng ABS-CBN, ni-raid ang restaurant na Globaliwag matapos na magreklamo ang
ilang mga residente na mayroon diumanong nagpapatakbo ng iligal na sugal sa
kanilang lugar. Anila ay apektado na ang buhay ng ilan sa kanilang mga kalugar
dahil nalululong na ang mga ito sa sugal.
Sinabi
ng may-ari ng restaurant na mayroon siyang permit para magpatakbo ng online
sabong. Pero itinanggi niya na nagpapataya siya sa mga kostumer habang kumakain
ang mga ito. Aniya, "Nagpapa-viewing lang ako, 'di ko na alam 'yung
ginagawa nila. Parang Pacquiao lang sa ibang bansa. Nagpapapasok ako ng taong
may bayad, hindi ko na mapigil, sila-sila lang 'yan. Restaurant lang po ako".
Bilang
patunay na mayroong permit ang online sabong, ipinakita pa sa mga otoridad ng
may-ari ng restaurant ang kanyang business permit na inisyu ng Baliwag City
Hall para sa UFCC Meridien Visita Pay Per View. Bukod dito, naglabas din siya
ng expired na certificate of appointment mula sa North Cagayan Gaming and Amusement
Corporation.
Samantala,
sinabi naman ng konsehal na nagkita-kita lamang sila ng kanyang mga kasamahan
sa restaurant kaya siya naroon. Itinanggi niyang lulong siya sa pasusugal, pero
aminado siyang ‘di lang siya sa ganito nagsusugal kundi pati na rin sa
sabungan.
Ayon
pa sa ulat, nakatambay lang sa labas ng restaurant ang ilan sa mga pulis na
nahuli, pero wala pa rin silang ligtas. Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito
Malayo, maaari pa silang maharap sa mga kaso
dahil wala silang ginawa upang pigilin ang iligal na pagsusugal ng mga tao sa
restaurant.
Ilan
sa kahaharaping kaso ng mga naaresto ay ang paglabag sa batas laban sa illegal
gambling at sa Cybercrime Prevention Act.
Panoorin ang video:

COMMENTS