Mayroong kasabihan na ‘dibale nang manakawan, huwag lang masungan. Tama nga naman dahil kapag na...
Mayroong
kasabihan na ‘dibale nang manakawan, huwag lang masungan. Tama nga naman dahil
kapag nanakawan ka lang ay marami pang matitira sa iyo. Kumpara kapag nasunugan
ka na matutupok lahat nang pinaghirapan mong ari-arian. Kung ano lang ang
madampot mo ay ‘yun lang ang matitira sa iyo.
Pero
paano kung nasusunog ang bahay n’yo, maisip mo pa kayang sagipin ang mga alaga
mong manok? Maaaring oo o ‘di-kaya’y hindi na dahil mas uunahin mo pang iligtas
ang iyong mga anak o mahal sa buhay.
Laking
panlulumo ng isang sabungero na taga-Las Pinas at nagngangalang Reymark Gaballo
ang nagbahagi ng kanyang mga larawan na nagpapakita ng natupok niyang bahay.
Ipinost niya ito sa ilang Facebook groups para sa mga sabungero. Hindi lang ito ang masakit, kasama rin kasing
na-lechon ang kanyang mga manok-panabong. Ayon sa kanya, kahit isang manok ay walang
natira.
Nagpaabot
naman nang pakikisimpatya ang mga sabungero na nakakita sa post ni Reymark. Anila
ay huwag niyang masyadong damdamin ang nangyari sa kanya bagkus ay bumangon at
magpatuloy lang. May nagsabi rin na unahin muna ang pamilya bago ang kung ano pa man. Pero may ilang mga nag-comment na handa siyang bigyan ng manok
para makapagsimula siya uling mag-breed.



COMMENTS