Napakasarap talagang magkampeon o manalo sa sabong dahil nasusubukan mo ang iyong palahi. Kapa...
Napakasarap talagang magkampeon o manalo sa sabong
dahil nasusubukan mo ang iyong palahi. Kapag sa maliitan na sabong ka sumali ay
makakapag-uwi ka pa ng bihag. Hindi lang naman karangalan ang nakakapagpasaya
sa mga sabungero kundi pati na rin ang papremyo.
Maraming
mga magmamanok ang natuwa sa ipinaskil na mga larawan ng Facebook user na si
Ricky Cagas sa grupo ng mga sabungero na Class A breeders®. Makikita sa litrato ang isang lalaking natutulog sa sofa
na nababalutan ng pera na nakuha mula sa papremyo sa sabong. Ang nasabing
lalaki ay handler ni Cagas.
Nanghihinayang
si Cagas at namatayan sila ng isa. Biro pa ng ilang mga nag-comment na mukhang
malungkot ang natutulog dahil nalagasan sila ng isa. Sinagot naman ito ni Cagas
na gusto ng kanyang handler na buhay sana lahat. Mayroon din namang nagkomento
na si Atong Ang ‘di nagkukumot ng pera kahit milyon pa ang tayaan. Sinagot
naman ito ni Cagas na katuwaan lang naman ito. Siyempre pa, maraming bumati sa
pagkakapanalo ng grupo ni Cagas sa sabong.





COMMENTS