Malapit na naman ang graduation kaya’t ang mga estudyanteng magtatapos ay kanya-kanyang ng post ng...

Malapit
na naman ang graduation kaya’t ang mga estudyanteng magtatapos ay kanya-kanyang
ng post ng picture na nakasuot sila ng toga. Kanya-kanya pa ng paandar ang iba.
May nagsasabi pa na kahit mahilig silang uminom ng alak ay ‘di ito hadlang para
‘di sila makapagtapos nang pag-aaral.
Pero
ibahin natin ang estudanyante ng pagka-marino na si Jed Quiñones ng Cebu City.
Imbes na ang pangarap niya na maging marino ang ibida, manok niya ang kanyang
ibinida. Makikita kasi sa kuha niyang larawan na may hawak siyang manok habang nakasuot
ng uniform ng marino. Ipinagmamalaki niya na siya ay galing sa pamilya ng mga
magmamanok. Bilang patunay, makikita sa kanyang wall ang post ng isa niyang laban pati na rin ang larawan na naka-civilian siya at may hawak na manok.
Maraming
netizens ang natuwa sa larawan ni Jed lalo na ang mga sabungero. Binabati nila
ito dahil sa magtatapos na siya ng pag-aaral at siyempre pa hiling din nila na
maging matagumpay siya hindi lang sa magiging buhay niya pagka-graduate kundi
pati na rin sa kanyang pagsasabong!
Bago
si Jed, mayroon na ring gumawa nang kagaya sa kanyang style. Matatandaang magtatapos
ng highschool na nagngangalang Mark Cuilao Pedernal ang nagpakuha ng larawan na
nakatoga habang may hawak na manok. Aniya sa kanyang post, ‘di hadlang ang
pagsasabong para maka-graduate.

COMMENTS