Magsisimula na ngayong araw (Marso 10) ang pinakamalaki at prestihiyosong derby sa Mindanao, ang...
Magsisimula na ngayong araw (Marso 10) ang pinakamalaki
at prestihiyosong derby sa Mindanao, ang Araw ng Davao Celebration 6-Cock Derby.
Two hundred entries ang nakatakdang maglalaban-laban sa 3-cock elims. Magsisimula
ito sa ganap na 11 am at masusundan naman sa Marso 13, 15 hanggang 17. Gaganapin
ito sa New Davao Matina Gallera.
Tumataginting
na 22 million pesos o higit pa ang guaranteed prize sa nasabing malaking pasabong.
May entry fee ito na 100 thousand pesos at ang minimum na taya naman ay 11
thousand pesos.
Ang
magkakampeon sa Araw ng Davao ay makatatanggap ng 15 million pesos. Habang ang magiging
runner up naman ay makatatanggap ng 1 million pesos. Mayroon ding nakalaang 2.8
million pesos sa alinmang entry na makakakuha ng 5 points. Samantalang ang
handler nang magkakampeon na entry ay makatatanggap ng 600 thousand pesos at
ang gaffer naman ay makatatanggap ng 200 thousand pesos.
Ang
Araw ng Dabaw ay hosted ni Mr. Dory Du. Mapapanood ito ng live sa www.sabongmindanao.com na nasa ilalim
ng Sabong Sports.

COMMENTS