Mainit talaga sa mata ng mga magnanakaw ang manok-panabong kung kaya’t paborito nila itong ...
Mainit
talaga sa mata ng mga magnanakaw ang manok-panabong kung kaya’t paborito nila
itong puntiryahin. Ang masakit kung ang magnanakaw ay kakilala mo pa o dating
tauhan sa farm.
Isang
caretaker ng gamefowl farm sa Lucban, Quezon Province ang naiulat na tumangay
ng 70 piraso ng sasabunging manok na may kabuuang halaga na P800,000 noong
Miyerkules.
Ayon
sa salaysay sa pulisya ni Edgardo Abustan, may-ari ng Lucban Game Farm na
matatagpuan sa Barangay Aliliw, mga bandang 9 p.m. nang mapansin niyang
nawawala ang kanyang 30 na magugulang na manok na nagkakahalaga ng 20 thousand pesos
bawat isa pati na rin ang kanyang 40 piraso na two-month old na mga manok na
nagkakahalaga ng 5 thousand pesos bawa isa.
Natuklasan
diumano ni Abustan kung sino ang nagnanakaw ng kanyang manok nang may
nakapagsabi sa kanya na ibinenta ang kanyang mga manok sa Pagbilao ng dati
niyang katiwala sa farm na si Reynaldo Dela Cruz. Ang nasabing dating tauhan sa
farm ay iniwan ang kanyang trabaho noong March 1.
Agad
namang nagsagawa ng operasyon ang pulisya para tugisin si Dela Cruz, pero nakatakas ito. Sa 70 na manok na nawawala ay anim na manok lang ang kanilang nakuha
matapos itong maiwan ng suspek.
Source: Inquirer

COMMENTS