Ang Laguna ay maituturing na tahanan ng mga gamefowl breeders dahil maraming mga farm ang nakatayo rito kabilang na ang CRB Gam...
Ang Laguna ay maituturing na tahanan ng mga gamefowl breeders dahil maraming mga farm ang nakatayo rito kabilang na ang CRB Gamefarm na pagmamay-ari ni Boy Tanyag. Siya ay minsan nang nag-champion sa BAKBAKAN na itinuturing na isa mga pinakamalaki at prestihiyosong pasabong sa bansa.
Ang CRB ay matatagpuan sa San Pablo, Laguna. Tinatayang may sukat ito na mahigit anim na ektarya. Maganda ang lokasyon ng farm ni Boy dahil napapalibutan ito ng kabundukan kaya't maganda itong pag-alagaan ng manok. Ang kanyang mga bloodline ay binubuo ng Sweater, Kelso, Hatch at iba.
Bukod sa pagiging breeder, si Boy ay agisilbing kapitan sa isang barangay sa Quezon City. Katulong niya sa pagpapatakbo sa kanyang farm ang kanyang manager na si Eddie Pontera na itinuturing ng CRB na kanilang alas o pambato sa pagmamanok.
Halina't silipin natin ang farm ni Boy!

COMMENTS