Si Rene Adao ay maituturing na isa sa magagaling na gamefowl breeder sa bansa. Sumikat siya sa ...

Si Rene Adao ay maituturing na isa sa magagaling na gamefowl breeder sa bansa. Sumikat siya sa kanilang lugar sa Batangas nang minsang magkatapat sila ni Patrick Antonio at talunin niya ang ang manok nito. Nangyari ito noong taong 2001. Naging champion na rin siya sa World Slasher Cup noong 2014.
Ang farm ni Rene ay tinatawag na Renegade Gamefarm at matatagpuan ito sa San Luis, Batangas. Ang kanyang pinaka-signature line niya ay ang Kelso. Magaling daw kasi itong tumiyempo. Magaling ito mapa-itaas man o sa ibaba. Bukod sa nasbaing bloodline ay mayroon din siyang Grey, Sweater at Gold.
Si Rene ang tipo ng breeder na 'di tumitingin sa quantity kundi sa quality ng manok. Katunayan ay nasa 150 lang ang bilang ng kanyang mga manok. Pero piling-pili ang mga ito.
Tara at silipin natin ang farm ni Rene!
COMMENTS