Dati-rati ay 'di pinapansin ng mga Pinoy breeder ang Peruvian dahi sa 'di maganda nitong hitsura. Malayo kasi ang hitsura ...
Dati-rati ay 'di pinapansin ng mga Pinoy breeder ang Peruvian dahi sa 'di maganda nitong hitsura. Malayo kasi ang hitsura nito sa Western fowls na karaniwan nang pinapalahi sa atin. Pero bigla na lang sumikat ang Peruvian matapos na mapansin ang lakas nito at istilo sa paglalaro. Sa ngayon ay marami nang nagbi-breed nito sa Pilipinas. 'Yun nga lang ay mas mataas ang presyo nito kumpara sa Western fowls.
Anu-ano nga ba ang magagandang katangian ng Peruvian. 'Yan ang sasagutin ni Raymond Ocampo ng Emongski Gamefarm. Siya ay isang Peruvian breeder at naging manager sa isang malaking farm sa Bali, Indonesia. Uso rin sa bansang 'yun ang pagsasabong ng Peruvian. Kaya't kung Peruvian lang ang pag-uusapan kabisado na ito ni Raymond.
Panoorin ang video:

COMMENTS