Magagaling talaga ang mga Pinoy pagdating sa paggawa ng meme sa Facebook. Ang isang larawan ay nagagawan ng ibang ...

Magagaling talaga ang mga Pinoy pagdating sa paggawa ng meme sa Facebook. Ang isang larawan ay nagagawan ng ibang kahulugan na nakatutuwa. Isa na rin ito sa nagpapasaya sa mga netizen sa araw-araw na pagtambay sa social media. Siyempre, 'di rin pahuhuli ang mga sabungero sa paggawa ng ganito.
Naging sentro ng katuwaan ng mga sabungero online ang isang larawan ng manok na nililimliman ang mga sisiw. Ibinahagi ito ng Facebook user na si Dexter Bads sa isang grupo ng mga sabungero sa FB na sabong forums sa fb.. mga talakayan tungkol sa manok panabong. Mayroon itong caption na "YUNG ASAWA NIYA MAY IBA NANG KINAKASAMA...KAWAWA SI NOKIS SIYA NA NAG AALAGA SA MGA ANAK NILA".
Mistulang maraming naka-relate sa picture dahil iniugnay nila ito ng ilang sabungero sa buhay ng mga tao. Napakasakit Kuya Eddie, ang sabi ng isang sabungero. Siyempre, 'di rin naman pahuhuli ang banat na "Walang poreber". Ayon naman sa iba, ang manok na ito ay isang huwarang ama. Oo nga naman, hindi lang naman ang inang hayop ang may pagmamahal sa anak nila na kundi pati na rin ang tatay. Mayroon din namang napahugot na lang na nagsabi na mabuti pa ang manok marunong magmahal.
![]() |
| Ilan sa komento ng mga sabungero |

COMMENTS