Nagtataka ka ba kung bakit minsan ay ‘di nangingitlog ang ilan sa iyong mga inahin? Ang ila...
Nagtataka
ka ba kung bakit minsan ay ‘di nangingitlog ang ilan sa iyong mga inahin? Ang
ilan sa mga sagot d’yan ay ‘di pa fully
developed ang reproductive organ ng inahin. Kaya’t kahit ipares mo ito sa
tatyaw ay wala pa ring epekto. Kung mayroong ‘di nangingitlog dahil sa masyado
pang bata, siyempre kapag nagkakaedad na ang inahin ay nababawasan na ang
kakayahan nitong mangitlog hanggang sa ‘di na kayang mag-prodyus pa. Mayroon
din namang hindi nabababahan na inahin
kapag mayroon itong kasamang ibang inahin. Maaari namang masapola ang inahin
kung kaya’t nababalot ng taba ang lalagyan nito ng itlog.
Para
maging mataas ang potensyal na mangitlog ang inahin, dapat hindi ito
nai-stress. Baka naman nasisikipan ito sa maliit na breeding pen. Kung ganun ay
ilipat sa mas maluwag at pakawalan din paminsan-minsan. Kinakailangan din na maging handa ang isapan
at katawan nito. Siguraduhin na sapat ang nakukuhang nutrisyon ng inahin.
Importante namakapag-ipon ito ng calcium sa kanyang buto. Pinaniniwalaan kasing
ang calcium ang nagiging shell ng itlog. Kapag sapat na calcium ang naipon ng
inahin, magiging matibay din ang itlog.
Kapag
papakain ang tatyaw at inahin, makabubuting paghiwalayin muna ang mga ito. Ang
nangyayari kasi, nagpapaubaya ang tatyaw sa inahin. Dahil dito, ‘di sapat ang
nakukuhang nutrisyon ng tatyaw. Kaya’t kapag nag-mating sila ng inahin ay
maaaring walang maiprodyus ang semilya nito dahil nga sa kakulangan ng
nutrisyon.
Ipinapayo
rin ng mga eksperto na palitan ang patuka ng breeder pellet kapag ginagamit ito
sa pagpapalahi. Para ‘di manibago ang katawan ng inahin, paghaluin muna ang
luma at dating patuka sa loob ng apat na araw hanggang sa masanay na ito. Bukod
sa breeder’s pellet, importante rin ang pagpapaillaw sa pinapaitlog na inahin.
Mas aktibo kasing mangitlog ang mga inahin kapag mayroong liwanag. Ang
kinakailangang daylight ng manok ay hanggang labing-limang anim na oras.. Buksan
o patayin ang ilaw para makumpleto ang kinakailangang liwanag nang pinapalahing
inahin.

COMMENTS