Tila walang katapusan ang pagpapasaway ng ilang mga sabungero kahit kasi may ipinapatupad na Enhance Community Quarantine ay marami pa ri...
Tila walang katapusan ang pagpapasaway ng ilang mga sabungero kahit kasi may ipinapatupad na Enhance Community Quarantine ay marami pa ring nagpapasaway. Sa ginagawa nila ay hinahamon nila ang batas at wala silang pakialam kung magka-Covid man.
Huli ang mga mga nagtutupada sa lalawigan ng Laguna mg Binan at Sta Rosa.
Sa Sta. Rosa ay mga nagkukumpulan na kalalakihan. Hindi nila alam nakuhanan na pala sila ng survillance camera. Ilang saglit lang ay hinuli na sila ng mga pulis.
Nakumpiska mula sa kanila ang mga perang pantaya pati na rin mga manok-panabong
Aminado sila na ang ilan sa kanila ay miembro ng 4ps na mainit sa mata ngayon ng publiko. Dahil sa tingin ng iba, marami dito ang miembro na hindi karapat-dapat.
Ang mga nahuli ay pinagprusisyon habang may hilang kabaong na de gulong. Ipinasilip sa kanila ang laman na ang nakalagay ay picture ng mukha nila. Sinabi ng otoridad na ganito ang kanilang sasapitin kapag hindi sila nanatili sa loob ng kanilang bahay.
Panoorin ang video:

COMMENTS