Halos araw-araw ay mga nahuhuling tupada o iligal na sabong. Kahit alam nilang aktibo ang mga otoridad na sumalakay dahil sa ipinapatupad...
Halos araw-araw ay mga nahuhuling tupada o iligal na sabong. Kahit alam nilang aktibo ang mga otoridad na sumalakay dahil sa ipinapatupad na Enhance Community Quarantine.
Naaresto at dinala sa presinto ang apat na lalaki na nagsasabong sa Bacoor, Cavite.
Inamin ng mga naaresto na 1,200 ang kanilang taya.
Napag-alam din na dalawa sa kanila ay nakatakdang makatanggap ng 6,500 bilang bahagi ng Social Amelioration Program ng DSWD.
Dahil sa pagsasabong, 'di na sila makatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.
Noong nakaraang mga araw, sinabi ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na walang matatanggap na tulong ang mahuhuling nagsasabong o nagsusugal dahil may mga pera naman ito.
Ang mga nakumpiskang mga manok ay kinatay at ipinakain sa mga preso.
Panoorin ang video:

COMMENTS