Mainit ang isyu ngayon hinggil sa pagbawi ng GAB sa permit ng pasabong ng World Slasher Cup 2 na nakatakda sanang ganapin sa May 27-Jun...
Mainit ang isyu ngayon hinggil sa pagbawi ng GAB sa permit ng pasabong ng World Slasher Cup 2 na nakatakda sanang ganapin sa May 27-June 2. Ito ay matapos maglabas ng sentimiyento ang Candelaria Derby champion na si Charlie Cruz ng Candice Jean Ganefarm.
Sa kanyang social media account sinabi niya na kung hindi pa na-extend ang ECQ ay may balak silang ituloy ang WSC. Dapat daw ay hintayin muna na maging normal ang lahat. Maging responsable naman sana sila. Marami nang nagkakandamatay na medical practitioner sabong pa rin daw ang nasa isip.
Sinabi ni Charlie na hindi niya kilala nang personal si Baham Mitra na presidente ng GAB. Natutuwa nga siya at isang sabungero ang nalagay sa GAB. Mataas diumano ang respeto niya rito.
Nilinaw niya na opinyon niya lang naman ito. Alam niya na may mga kukontra sa kanyang mga sinabi. Pero handa niya itong panindigan.
Halos lahat ay sumasang-ayon sa opinyon ni Charlie Cruz. Anila mahirap makipag-sapalaran ngayong panahon ng krisis dahil nakasalalay ang buhay ng mga sabungero. Lalo't sariwa pa ang nangyari sa New Davao Matina Gallera kung saan may mga nasawing sabungero dahil sa Covid.
Samantala, wala pa ritong pahayag ang GAB at ang pamunuan ng WSC.


COMMENTS