Sa panahon ng krisis, marami tayong nakikitang mga tumutulong sa mga kababayan natin na lubhang nahihirapan na dahil sa lockdown. Patunay...
Sa panahon ng krisis, marami tayong nakikitang mga tumutulong sa mga kababayan natin na lubhang nahihirapan na dahil sa lockdown. Patunay lang ito na buhay na buhay pa rin ang bayanihan sa ating mga Pilipino.
Siyempre, pahuhuli ba naman tayong mga sabungero? Isang kasabong natin na nagngangalang Timz Gunayan Cabanero ang nagpost ng kanyang video sa social media. Ipinagpapalit niya sa isang sakong bigas ang kanyang manok na nanalo na nang isang beses. Ito ay para ipamigay niya sa mga kabaranggay na walang-wala na talaga. Ito lang diumano ang kanyang naisip na paraan upang makatulong dahil di naman siya mayaman.
Hinihikayat niya rin ang lahat ng farm na tumulong para di na mabansagang 'basta sabungero babaero'. Dapat daw mapalitan ito ng 'basta sabungero mabait at handang tumulong.'
Magsakripisyo raw tayo ng ating manok o kahit ano'ng alagang hayop para makatulong.
Maging ang mayayaman at artista ay tinatawagan niya rin na magbenta ng anumang bagay para maging bigas.
Sinabi rin ni Timz na kung sakaling walang bumili sa kanyang manok, gagastusin niya na lang ang sariling pera para sa bigas nang sa gayun ay makatulong pa rin siya sa mga walang-wala sa kanyang mga ka-barangay.

COMMENTS