Nagpapasalamat ang negosyante at sabungero na si William Gonzales sa Diyos at sa mga frontliners na nag-alaga sa kanya para gumaling sa s...
Nagpapasalamat ang negosyante at sabungero na si William Gonzales sa Diyos at sa mga frontliners na nag-alaga sa kanya para gumaling sa sakit na Covid.
Siya ang kauna-unahang nagka-Covid sa General Santos, pero nakuha niya ito sa Davao matapos na dumalo sa tatlong araw na 6-cock derby sa New Davao Matina Gallera.
Ang malaking papremyo na 26 million diumano ang nagtulak sa kanya para sumali sa naturang derby.
Wala namang naramdamang kaba si Gonzales dahil bago pumasok ay kinukunan sila ng temperatura. Kaya't di niya matukoy kung kanino niya nakuha ang Covid sa dami ng mga tao sa sabungan.
Sa palagay niya, natalsikan siya ng laway ng mga tao na sumisigaw kapag nagpupustahan na.
Dalawampung araw din siya sa ospital at umabot ng 700 thousand ang naging bill niya. Nagpapasalamat siya sa gobyerno dahil sinagot nila ito.
Nang tanungin kung may balak pa siyang magsasabong, sa nagyari sa kanya ay ayaw na niyang magsabong at magsugal-sugal.
Panoorin ang video:

COMMENTS