Larawan mula sa Fb account ni Dlines Tacurong Kung maaga kang numulat sa pagmamanok dahil naging taga-pag-alaga ka ng manok. O di-kaya...
![]() |
| Larawan mula sa Fb account ni Dlines Tacurong |
Kung maaga kang numulat sa pagmamanok dahil naging taga-pag-alaga ka ng manok. O di-kaya'y naisasama ka ng tatay, tiyo o lolo sa sabungan.
Samantala ang iba naman, ginawa pang tari ang alambre at ito ang ikinakabit sa paa ng manok. Sabay pagsasalpukin ang dalawang manok.
'Di ba kay sarap balikan ang nakaraan? Walang katumbas na saya ang iyong nararamdaman kahit wala ka pa namang gaanung pera dahil bata pa nga. Siguradong dala-dala mo ang hilig sa manok hanggang sa pagtanda mo. Sakali mang natigil sa pagiging abala, binalikan mo rin ito gaya ng iba.
Sa larawang pinaskil ng Fb user na si Dlines Tacurong ay siguadong magbabalik ka sa nakaraan. May mga bata kasi na naglalakad at may hawak-hawak na manok.
Ani Tacurong, naalaala niya noong sampung taong gulang pa lang siya. Tinatakas niya ang mga manok niya ang mga manok sa kanila. Napapagalitan tuloy siya dahil puro dugo na ang mukha ng manok.
Ikaw, kasabong ano'ng naaalala mo na iyong ginagawa sa pagmamanok o pagsasabong?


COMMENTS