Muntik nang makuha ng Team Firebird ang kampeonato sa katatapos lang na unang edisyon ng World Slasher Cu...

Muntik nang makuha ng Team Firebird ang kampeonato sa katatapos lang na unang edisyon ng World Slasher Cup ngayong taon. Kalahating puntos lang ang inilamang sa kanila nang nagkampeon na si Cong. Patrick Antonio.
Ang Team Firebird ay binubuo sa pangunguna ni Biboy Enriquez at ng farm manager at gaffer na si Robie Yu Panis.
Ang kanilang entry na Firebird 2 ay nakakuha ng 8 points. Samantalang ang isa pa nilang entry na Firebird 1 ay nakakuha ng 7 points. Patunay lamang na de kalidad talaga ang mga manok sa Firebird Gamefarm. Ilan lang sa linyada na kanilang inilaban sa World Slasher ay ang White Kelso, Mc Lean Hatch, Super Sweater at iba pa.
Minsan na ring naging kampeon si Biboy Enriquez sa World Slasher Cup. Ito ay noong taong 1996 at 1994.
COMMENTS