Ang sabong ay isang napakagandang libangan dahil naglilibang ka na ay marami ka pang natutu...
Ang sabong ay isang napakagandang libangan dahil
naglilibang ka na ay marami ka pang natutulungan. Sa kasalukuyan tinatayang
nasa 60 bilyong industriya ang sabong. Isipin mo na lang kung gaano karaming
mga tao ang nabubuhay dahil sa manok-panabong.
Pero sa ibang mga hindi nakaiintindi, ang sabong ay
sugal bisyo lamang at sugal at nakasisira ito ng buhay-pamilya. Dahil ibibili
na lang diumano ng bigas ay ipupusta pa ng iba. Halimbawang estudyante pa lang
ang mananabong ay masisira lang ang pag-aaral nito.
Viral ngayon ang picture ng isang Facebook user na
si Mark Cuilao Pedernal matapos nitong ipost ang kanyang picture na nakasuot ng
toga habang may hawak na manok-panabong.
Sa kanyang caption, sinabi niya na “Sino’ng may sabi na ‘di ako
ga-graduate” na waring patungkol sa tumutukoy sa kanyang pagsasabong.
Nangangahulugan lamang na puwedeng pagsabayin ang pagsasabong at pag-aaral.


COMMENTS