Photo Credit: World Slasher Cup 2018 Fb page Muli na namang pinatunayan ni Cong. Patrick...
![]() |
| Photo Credit: World Slasher Cup 2018 Fb page |
Muli na namang pinatunayan ni Cong. Patrick 'Idol' Antonio na wala pa rin siyang kupas. Mula pa lang dekada '80 hanggang sa kasalukuyan ay nagkakampeon pa rin siya sa mga sabong na kanyang sinasalihan. Itinanghal siya na nag-iisang kampeon sa katatapos lang na unang edisyon ng 2018 World Slasher Cup 9-Cock Invitation Derby. Nakakuha siya ng perfect na 8.5 points.
Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagkampeon si Cong. Antonio. Nagkampeon na rin siya sa prestihiyosong derby na ito noong taong 2013, 2011, 2000 at 1997.
Ang World Slasher Cup ay isinagawa sa Smart Araneta Coliseum mula Jan. 29 hanggang Feb. 7. Inisponsoran ito ng Thunderbird, B-Meg at ng Excellence Poultry and Livestock Specialist at Warhawk.

COMMENTS