Noong ‘di pa nadidebelop ang pagmamanok sa bansa, mga mestiso, tagalog at iba pa na...
Noong ‘di pa nadidebelop ang pagmamanok sa
bansa, mga mestiso, tagalog at iba pa na lang noon ang sinasabong. Pero nang
turuan tayo ng mga Amerikanong breeder ay umangat ang sabong sa Pilipinas.
Buhat noon ay lumaganap na ang imported na manok. Sinasabi ng iba na
nag-aangkat sila ng manok para ma-upgrade ang kanilang palahi.
Matagal
nang walang sabong sa Amerika, pero marami pa ring mga breeder ang nagpapalahi
roon. Siyempre, bukod sa passion na ito ay negosyo rin ito para sa kanila.
Kabilang ang mga Pinoy sa kanilang suki. Ang ilan ay nagpa-farm tour pa para
personal na makapamili ng materyales.
Pero
ang tanong kaya bang makipagsabayan ng mga local breed natin sa imported na
manok? Bakit kaya masyado pa ring bilib sa mga imported na manok angg ilan sa
atin gayung marami namang puwedeng mapagkuhanan sa atin. ‘Ika nga ay
kayang-kaya nating makipagsabayan sa kanila kung pagmamanok lang naman ang
pag-uusapan. Ganito rin ang pananaw ng mga nasira nang sina Danilo Hinlo at
Mayor Juancho Aguirre. Kumbaga, mas tangkilikin ang sariling atin bago ang sa
iba.
Wala
namang masama kung mahilig ang isang breeder sa mga imported na manok at palagi
nila itong binibida. Basta ba huwag lang kaligtaan ang manok na galing sa mga
local breeder. Ang ilan naman sa kanilang mga manok ay may lahi ring imported
na kanila nang dinebelop. Kung ang Pilipinas nga ang itinuturing na Mecca ng
Sabong sa buong mundo, ‘di ba’t marapat lamang na maging proud tayo sa palahi
ng mga Pinoy breeder?
Marahil ang sasabihin ng iba, tinuruan lang
tayo ng mga Amerikano. Kaya bang higitan ng estudyante ang kanyang master? Aba’y
oo naman! Hindi na kasi estudyante ang mga dating tinuruan lang dahil marami
nang nalalaman. At ang maganda pa, ang mga natutunan natin sa kanila ay
inilapat natin sa ating sistema. Lahat naman kasi ay ‘di applicable sa atin.
Sa
totoo lang, bilib sa atin ang mga dayuhang magmamanok dahil sa husay nating mga
Pinoy sa larangang ito. Napakadali natin kasing maka-adopt sa mga bagay-bagay.
Bukod pa r’yan ay tuluy-tuloy ang sabong sa atin kung kaya’t nahasa tayo nang
husto. Kayang-kaya nga nating tapatan o higitan pa ang kanilang mga manok
pagdating sa laban. Hindi naman sa pinagbabangga namin ang mga Pinoy at Amerikanong breeder. Napag-uusapan lang...
COMMENTS