Kahit saang aspeto o larangan ng buhay ay mayroong pagkatalo. Sinasabi ng iba na ‘di mo raw mala...
Kahit saang aspeto o larangan ng buhay ay mayroong
pagkatalo. Sinasabi ng iba na ‘di mo raw malalaman ang tamis ng tagumpay kung
ni minsan ay ‘di ka natalo o nabigo. Kung pag-uusapan ang sabong, sino’ng
sabungero ang ‘di natalo? Kung mayroon man, siya na yata ang pinakamagaling na
sabungero sa buong mundo. Siguradong wala nang lalaban sa kanya dahil ‘di pala
natatalo.
Kahit
ang mga itinuturing nating kampeon sa larangan ng sabong ay natatalo rin.
Minsan nga ay natatakbuhan pa ng manok gayung napaka-quality ng kanilang
breeding materials. Magkagayun man ay ‘di naman ito nakababawas ng respeto ng
mga tao. Ganyan talaga ang sabong, walang katiyakan dahil sugal ito. Minsan
nananalo at minnsan ay natatalo. Alin man d’yan ang iyong sapitin, ang
importante ay marunong kang magdala.
Kapag
nanalo ay huwag masyadong magyabang. Maging mapagkumbaba pa rin sa gitna nang
natatamong paghanga at mga papuri. Kapag natatalo naman ay huwag itong
pakadibdibin dahil palagi namang may sabong. Kumbaga, sa isang sabungero na
kagaya mo ay palaging mayroong pagkakataon para bumawi. Ang maganda kasi sa
sabong, meron at wala lang ang pinag-uusapan. ‘Di ito kagaya ng lotto na
maraming kumbinasyon ng numero ang kailangan para manalo. Gatuldok lang ang
tsansa para manalo.
Ang
iba, ginagawa pa nilang inspirasyon ang kanilang pagkatalo para lalong
i-improve ang pagmamanok. Dahil sa mga pagkatalo, nalaman nila kung saan sila
nagkamali. Halimbawa, napag-alaman nila ang kahalagahan ng bloodline o
pagkakaroon ng hybrid na manok. Kasi dati-rati kung saan-saan lang sila
kumukuha ng manok. Dahil sa adjustment na kanilang ginawa ay naging mas lamang
ang panalo kaysa talo.
Kaya’t
huwag na huwag mamasamain ang pagkatalo. Huwag gagayahin ang iba na sa
kagustuhan na manalo ay nandaraya pa. Gayung magiging kasiraan ito sa kanila
kapag nahuli o nabuking ng kalaban. Kung pera ang dahilan kung bakit mahirap
tanggapin ang pagkatalo, puwede namang maging minimum lang ang ipusta. Hindi ‘yung
tipong buong kabuhayan na ang nakataya kaya’t kapag natalo sa sabong ay sobrang
sakit ng epekto. ‘Yung tipong nakababaliw na. Bakit ‘di gayahin ang iba na
mayroong disiplina sa pagtaya. Maraming bigtime breeder na maliit lang o hinay-hinay
lang sa pagpusta. Ilan sa kanila, naranasan na rin nilang pumusta ng todo. Pero
kinalauan, napagtanto nila na wala namang yumayaman sa pagsusugal. Nagsasabong
sila para malibang at ‘di para magsugal lang.
COMMENTS