Candice Jean Gamefarm ni Charlie Cruz Ang Tanay ay isa sa mga dayuhing bayan sa lalawigan ng Rizal dahil sa pagkakaroon dit...
![]() |
| Candice Jean Gamefarm ni Charlie Cruz |
Ang
Tanay ay isa sa mga dayuhing bayan sa lalawigan ng Rizal dahil sa pagkakaroon
dito ng magandang tanawin. Dito matatagpuan ang Daranak Falls, Daraitan Falls,
Daranak Falls, Mount Daitan at marami pang magagandang lugar. Kung lumang
simbahan ang hanap, ang kanilang Saint Ildenfonsus of Toledo Pasish Church ay
naitayo noon pang 1783.Kada-taon ay dinadayo rin ng mga turista ang Tanay dahil
sa pagkakaroon nila ng Rodeo show.
Pero
‘di lang mga turista ang may paborito sa Tanay kundi pati na rin ang ilang
gamefowl breeders. Ilan lang sa mga kilalang breeder na narito ay sina Biboy
Enriquez ng Firebird Gamefarm at Charlie Cruz ng Candice Jean Gamefarm.
Magkalapit lang ang farm ng dalawa na parehong matatagpuan sa Barangay Kutyo.
Kapag nasa farm ka nila ay palaging mayroong bisita na nais mag-acquire ng mga
manok. Bakit hindi eh nagkampeon na ang mga ito sa international derby. Ang isa
ay sa World Slasher Cup at ang huli ay nagkampeon na sa Candelaria
International Derby.
Maliban
kina Biboy Enriquez at Charlie Cruz, sa Tanay din matatagpuan ang farm ng sikat
na breeder at host ng Bakbakan na TV, walang iba kundi si Joey Sy ng Pit Viper
Gamefarm. Lalongg tumunog ang kanyang pangalan ng magkampeon siya sa World
Slasher Cup noong 2015. Maganda rin ang kanyang farm at napakasistematiko
pagdating sa pagmamanok. Pero siya ang tipo ng breeder na hindi
nagku-commercial. Libangan niya lang kasi ang pagmamanok. Para mapagbigyan ang
mga gustong mag-acquire ng manok sa kanya ay sisiw ang inaalok nito sa kanila
na bilhin. Sila na ang bahalang magpalaki.
Sinasabi
ng mga breeder na nakabase sa Tanay, nagustuhan nila sa lugar na ito dahil
maganda ring mag-alaga ng manok. Medyo mabundok na rin kasi dito. Gaya nang
lagi nating naririnig, mas maganda ang manok na alagang bundok kumpara sa
kapatagan.
Kung
taga-Maynila ka ay mayroon ‘di naman kalayuan ang biyahe sa Tanay, Rizal.
Malapit-lapit ito kumpara sa lugar. Kung pupunta ka ng Laguna, maaari ring
dumaan muna rito dahil may lusutan naman dito papunta ng Laguna.

COMMENTS