Isa sa mga kilalang breeder sa Pilipinas ay ang businessman at sabungero na si Pol Estrellado. ...

Isa sa mga kilalang breeder sa Pilipinas ay ang businessman at sabungero na si Pol Estrellado. Pinsan niya ng sikat na mananari na si Noli Estrellado. Nagsimula lang mag-finance-finance hanggang sa natuto na ring mag-breed ng manok. Naging kaibigan niya si Richard Bates at naging ka-partner pa niya ito sa manukan. Taong 1990 pa nang pasukin niya ang pagmamanok. Nang taon din na ‘yun ay naitayo niya ang kanyang farm sa San Pablo, Laguna.
Ang
farm ni Estrellado ay tinatawag na PE Gamefarm alinsunod na rin sa kanyang
pangalan. Ang foundation line niya ang Hatch na galing kay Richard Bates pati
na rin ang Sweater na nakuha niya kay Sonny Lagon. Mayroon din siyang Kelso.
Pinaikut-ikot lang niya ang mga naturang bloodline. Ang Hatch ni Estrellado ay
mabibilis kumilos at asintado kung pumalo.
Panoorin ang video:
COMMENTS