Sadyang napakalaki nang naiambag ng internet para lalong lumakas ang industriya ng sabong sa...
Sadyang napakalaki nang naiambag ng internet para lalong
lumakas ang industriya ng sabong sa Pilipinas. Hindi lamang mga Pinoy ang
naaabot nito kundi pati na ring ang mga dayuhan na nasaan mang lupalop ng
mundo. Namamangha sila dahil buhay na buhay ang sabong sa Pilipinas. Dahil
dito, ang ilan pa sa kanila ay pumupunta sa bansa natin para aktuwal na
masaksihan ang sa internet lang nila napapanood. ‘Di ba’t napakaganda ng sabong
dahil nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng turismo?
Dahil
sa internet ay napakadali na nga komunikasyon. ‘Di katulad ng araw na pahirapan
pa ang pagtawag-tawag. Ngayon, maaari nang ma-monitor ang manukan kahit
araw-araw. Kahit ipa-video mo pa sa nasa Pinas ay walang problema. Kaya naman
napakaraming mga nasa abroad ang patuloy pa ring nakakapagmanok kahit nasa
malayong bansa sila. Sa kanila pa rin naman nanggagaling ang instruction at
susundin na lang ito nang pinagkakatiwalaan sa manukan.
Dahil
sa internet, ang maraming sabungan ay nagkaroon na ng live streaming. Nang
mauso ito tuwang-tuwa ang mga OFW dahil kahit nasa ibang bansa sila ay
nakapapanood na sila ng sabong. Nawawala o nababawasan diumano ang kanilang
pagka-homesick at pangungulila sa pamilya. Kung may laban sila sa Pinas at may
live streaming ang laban, nakikita nila kung maganda bang lumaro o hindi ang
kanilang manok.
Kaakibat
ng live streaming ang pagsulpot ng online sabong. Maaari ka nang makapanood ng mga laban na
ikinu-cover nila. Siyempre, makakapusta ka na rin na para bang nasa loob ka ng
sabungan. At ang natutuwa pa ay mga naggagandahang CSR ang mag-a-assist sa iyo.
Mas
lalong umingay sa internet ang sabong nang pumutok ang Facebook. Pinatahimik
nito ang mga forum website dahil sa FB lang ay marami ng grupo ng mga
magmamanok. Mag-search ka lang at napakaraming grupo ang lalabas. Mayroong
tungkol sa bentahan ng manok, may samahan ng mga mananari, etc. Talaga namang
napakaaktibo ng mga miyembro na masayang nagbabahagi at nagpapalitan ng kaalaman tungkol sa
pagmamanok.
Mag-ingat
nga lang kapag bumibili ng manok online dahil maraming bogus seller. Gumagamit
lang sila ng picture ng may picture ng manok. Mahirap silang ma-trace dahil
posibleng ang ginagamit nilang account ay bogus din. Ang iba ay ginagamit pa
ang pangalan ng mga kilalang breeder para lang makapambiktima. Mayroong gumagaya
kay Bernie Tacoy, Abello at kung sinu-sino pang personalidad sa sabong.
Marami
ring mga breeder na sumikat sa Facebook dahil dumami ang kanilang likes o
followers na umabot nan g libu-libo. Nagpu-post kasi sila ng kanilang mga laban
at maraming mga nagla-likes at nagsi-share. Dahil dito, lumakas din ang
kanilang benta. Sinasabing ang Facebook ay great equalizer dahil binibigyan din
nito ng pagkakataon ang mga ordinaryong tao na makilala ng madla. Kaya't 'di nagpapahuli ang marami, mapa-farm man o sabungan ay merong fan page!
Kalakip
na rin ng pagsikap ng Facebook ang mabilis na pagdaloy ng impormasyon.Madaling
malaman kung sino ang nanalo sa malalaking derby o ano ang latest sa sabong. Isang click lang kasi ay makakapagbasa ka na
ng mga article o ng balita. ‘Di mo na kailangan maya’t maya ay i-search sa
Google ang paborito mong website o blog. Kung follower ka ng isang page ay
inihahain na sa harap mo ang link, pipindutin mo na lang. Siyempre, ang Sabong
Ngayon blog ay produkto rin ng social media dahil mga Facebook user ang
mambabasa nito kabilang ka na nagabasa ng article na ito. Salamat sa suporta. Asahang marami pa tayong
mga article tungkol sa sabong na pagsasabong.

COMMENTS