Para sa ibang mga breeder, ang off-colored chickens ay ginagawa lang nilang pangulay sa kanila...
Para
sa ibang mga breeder, ang off-colored chickens ay ginagawa lang nilang pangulay
sa kanilang farm. Para ‘di manibago ang pula nilang manok kapag ibang kulay ang
makakaharap nilang kalaban sa ruweda. Pero mayroon din namang ang off-colored
chicken ang kanilang paborito at ginagawa pang signature bloodline sa manukan. Sino
ba namang ‘di maaakit sa kulay ng Bulik na parang batik-batik ang kulay.
Naghahalo ang puti, itim, dilaw, itim etc. sa kanilang mga balahibo.
Kung
laro ang pag-uusapan, sinasabing ang Bulik ay magaling sa cutting. Kapag pumalo
ay may diin ‘ika nga. Mabilis din itong
kumilos at mataas din kung lumipad. Wala itong takot kung makipaglaban. Sa
obserbasyon ng ilang breeder, ang Bulik ay maraming style o kayang mag-adjust
sa kung ano ang laro ng kalaban. Depende na rin siguro kung ano ang kompisyon ng dugo nito. Kaya naman ‘di
maaaring mawala ang Bulik sa sabungan kapag araw ng laban.
Isa
sa mga kinikilala na nagsimulang magdebelop ng Bulik ay si Dr. James T. Gee
(1821-1891) ng Alabama. Sa loob ng apatnapung taon ay nagpapanalo siya sa mga
sabong na kanyang sinasalihan sa kanilang lugar. Ang kanyang Dom ay galing sa
pinagpares na Black Sumatra at White Pyle Hen. Ang naging resulta ay ipinares
naman niya Earl Derby at Red Pyle na galing kay Ed Heatherwood. Ang kinalabasan
naman nito ay naging dirty white na kahawig ng Dusty Millers. Pagkatapos nito
ay ibrineed naman niyang pabalik sa naunang crosses. Pero ang pinakamatagumpay
na crosses ay nang ihalo niya ito sa Whitehackle ni ‘”Dad” Gleezen.
Hindi
rin puwedeng ‘di mabanggit ang pangalan ni J.W. Chappell kapag Bulik ang
pinag-uusapan. Ang kanyang manok ay tinatawag na Chappel Dom na nakabatay sa
kanyang apelyido. Ang pinagmulan ng kanyang manok ay galing sa single pair na
nabili nila kay W.R. Smith. Pero nakursunadahan ito ni J.W. Chappel kung kaya’t
noong 1851 ay pinakyaw niya ang lahat ng Dom ni W.R. Smith. Ibrineed niya ang
mga ito sa tulong ng kanyang mga kapatid na sina Henry at Jim Chappell.
Meron
diumanong naitalang apat na crosses ng manok
na ginamit para mapanatili ang
Dom Strain ng ni J.W. Chappell. Kabilang na rito ang Spanish Cock na kung
tawagin ay Santa Ana at Arlington cock na ginamit ni J.W. Chappell. Pati na rin
ang Mingus Dom cock na nabuo noong 1970 at ginamit naman ni Jerry Chappell at
ipinasa niya ito sa kanyang anak na si Kris. Hinaluan naman nito ang kanilang
Bulik ng dugo ng Sureshot Dom na galing kay Mr. Scott Gay noong 1991. Ibig lang
sabihin na maraming crosses na pinagdaan ang Chappell Dom bago ito madebelop
nang husto.
Dito
naman sa Pilipinas, pinakasikat na yata na nagbi-breed ng Bulik ay si GenGen
Arayata ng Agilahas Farm na matatagpuan sa Tanza, Cavite. Sumikat nang
husto ang kanyang Bulik nang magback-to-back champion siya sa World Slasher Cup
noong 2007 at 2008. Ang kanyang Bulik ay
galing sa namayapa nang si Congressman Lagbas ng Ca gayan de Oro. Ipinares niya
ito sa yellow legged Hatch pati na rin sa Sheryl Penny.
Marami nang mga breeder ang nakakuha ng
kanyang Bulik kabilang na si Doc Ronnie Magbalon na naging isang BAKBAKAN
champion noong 2011. Patunay lang na ibang klase talaga ang Bulik na galing kay
GenGen. Pero siyempre, mayroon ding ginawa si Doc Magbalon para umakma ito sa laro
na istilo na hinahanap niya sa maanok. Ang Bulik na nakuha niya kay GenGen ay
ipinares niya sa Griffin Claret ni Ray Alexander. Ang nasabing kumbinasyon ay
locked sa brother-sister mating. Ang mga naging supling ay ipinares niya sa
Gull, Kelso, Oakgroove, Leifer at Sheryl Penny.
Maging
si Charlie “Atong” Ang ay nag-aalaga rin ng Bulik sa kanyang manukan. Marami
ang bumilib sa laban ng kanyang Bulik nang ilaban niya ito sa World Pitmasters
Cup dahil para itong robot dahil tila ‘di tinatablan ng tari. Matibay kasi ang
manok niyang ito. Binansagan pa nga ito ng iba na ‘Imortal Bulik’.
COMMENTS