Kapag natatalo ka sa sabong, ano ang iyong nararamdaman. ‘Di ba’t nalulungkot ka at nanghihina...
Umani
ng maraming likes at comments ang post ni George Trance Otayde sa isang
Facebook group na Kapcm (Knowledge in Accurrate and Precise Conditioning Method). Nagbigay kasi siya ng tribute sa kanyang warrior na White Kelso
na nasawi sa laban. Apat na beses na raw niya itong inilaban at lagi itong walang sugat.
Pero sa huli ay ibinigay nito ang lahat ng kanyang makakaya na kahit
putul-putol na ang bituka ay tila wala pa ring daw ipinagkaiba ang kilos at
lakas. Nagawa pa ring manalo ng manok na ito.
Nagpapasalamat
si Otayde sa kanyang White Kelso pati na rin sa mga kasamahan nitong warrior
dahil may pambili na siya ng patuka. Hindi lang siya basta nagpapasalamat dahil
nilagyan pa niya ng lapida ang manok nang kanyang ilibing na ang nakasulat ay
Warrior/White Kelso.
Marami
namang mga sabungero ang naantig o sumaludo kay Otayde dahil ang iba kapag
namamatayan ng panlaban ay balewala lang sa kanila. Puro sabong lang daw kasi
ang iniisip. Sabi pa ng iba, sana ganito rin ang ibang sabungero para mas lalo
silang suwertehin. Nagpaabot pa ng pakikiramay ang ilan sa mga nagbigay ng
komento sa post ni Otayde.



COMMENTS