Hindi kaila sa atin na marami ring tutol o kumakalaban sa sabong. Para kasi sa kanila ang sabon...
Hindi
kaila sa atin na marami ring tutol o kumakalaban sa sabong. Para kasi sa kanila
ang sabong ay isa lamang bisyo o sugal. At ang paulit-ulit nilang
pinagkakadiinan na isa itong kalupitan sa hayop. Naniniwala kasi silang ‘di dapat
pinagsasabong ang mga manok. Kahit alam naman nilang likas na sa mga manok ang
makipaglaban sa isa’t isa. Kahit naman ‘di mo naman lagyan ng tari ay
maglalaban pa rin sila.
Oo nga’t
kung titingnan ay may kasamang sugal ang sabong. Pero ‘di naman ibig sabihin na
purong sugal nga ito. Kahit naman ang ibang sport gaya ng basketball o ‘di-kaya’y boxing mayroon ding nangyayaring
pustahan d’yan? Kaya’t ano ang pinagkaiba nito sa sabong kung may involved na pera?
Kung tutuusin, nagsisilbi lang naman
pampagana ang mga papremyo o tayaan sa sabong. Napakaboring naman ng laro kung
walang pabuya. Nasa tao na rin mismo kung gusto niyang magpasira sa sugal.
Importante lang ay marunong kang magkontrol. Kung ano lang ang sobrang pera ay ‘yun
lang ang gamitin sa sabong.
‘Di rin
kaila sa atin na may mga grupo na gustong magpabagsak ng sabong sa Pilipinas
partikular na ang mga animal rights group. Gusto nilang magaya ang bansa natin
sa Amerika kung saan ay nagawa nilang ipatigil ang sabong. Kahit sa Mexico o sa
mga bansang may sabong ay nandoon ang kanilang presenya. Sasabihin ng iba r’yan
na malayong mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Amerika dahil napakalakas ng
sabong sa atin. Alalahanin na bago huminto ang sabong sa Amerika ay napakasigla
rin ng sabong doon. Ilang pa nga sa naging mga president nila ay mga sabungero.
Pero ano’ng nangyayari? Mag-breed na lang ang puwede nilang gawin, ni mag-spar
ng manok ay ipinagbabawal. Kumbaga, hindi dapat magpakampante. Huwag hahayaan
na makaporma nang husto ang mga animal rights activists dito sa atin.
Sinasabi
ng ibang sabungero na kung sakaling mapatigil o lumakas ang panawagan nang
pagpapatigil sa sabong, ‘di malayong mangyari na isa sila sa mga aalma. Ito na
nga lang daw ang kasiyahan nila sa buhay ay aalisin pa nila? Isa pa, parte na
ito ng ating kultura na namana pa natin sa ating mga ninuno. Mas maraming
problema na dapat pagtuunan ng pansin, huwag ibaling ang atensyon sa sabong na
libangan ng maraming Pilipino!
Baka
nga raw magkaroon pa ng tinatawag na civil war dahil sa dami ng magagalit na
mga magmamanok sa bansa. Huwag naman sana itong hayaan ng mga pulitikong
mangyari. Huwag nilang susuportahan ang anuman panukalang batas na nagsusulong
para mapatigil ang sabong dahil parang sinira na rin nila ang kanilang career.
Sa dami ba naman ng mga sabungero sa buong Pilipinas. Isama pa ang mga OFW.
Kung kayang magpanalo ng mga sabungero ng kandidato ay kaya ring magpabagsak.
Tama ba, kasabong?
COMMENTS