Sa isang forum ng mga sabungero sa Facebook ay may nagbukas ng topic na bakit di raw ipinu-pos...
Sa isang forum ng mga sabungero sa Facebook ay may nagbukas ng
topic na bakit di raw ipinu-post ang video ng karamihan ng mga sabungero kapag sila
ay natatalo? Puro panalo lang kasi ang mga ipinapakita nila, paano naman ang
talo? Tila may tono nang panghahamon ang ganitong klase ng katanungan.
Simple
lang naman ang kasagutan sa tanong na ito. Siyempre, hindi mo naman
maipamamalaki kung talo ang naging laban mo. Pinu-post mo ang panalo, hindi
lang para makapagyabang, proud ka lang dahil nagkaroon ng bunga ang ginawa mong
pagsisikap. Inaalagaan mo ang manok mo mula nang ito ay itlog pa lamang
hanggang sa puwede na itong isabak sa ruweda.
Isa
pa, sino ang may gusto sa talunan? ‘Di ba’t halos lahat naman ay gusto ng
winner? Hindi ka magpu-post ng talo lalo na’t isa kang commercial breeder dahil
ang gusto mong ipakita sa publiko ay nagpapanalo ang iyong mga manok. Wala
naaman sigurong masama rito dahil bahaggi ito ng marketing strategy. Kung panay
post mo naman ng mga talo mo, malamang ay ‘di na sa iyo bibili ang kostumer.
Iisipin kasi nila na talunan naman pala ang iyong manok.
May
mga nagsasabi na kaya puro panalo ang kanilang ipinu-post ay dahil gusto nilang
kalimutan ang kanilang pagkatalo. Hindi naman sa ‘di nila ito matanggap. Gusto
lang nilang maiwasang malungkot uli dahil maaalala nila ang manok nila na nasawi
sa laban. Nahihiya rin sila lalo na kung tumakbo ang kanilang manok sa laban.
Sa
totoo lang, ‘di namang masamang matalo sa laban dahil bahagi na ito ng anumang
isport. Pero may nakausap tayo na isang breeder na nagsabi na kahit talo ang
kanyang laban ay ipinupost pa rin nito ang video sa kanyang Facebook account.
Gusto lang niyang maging transparent kaya naglalabas niyang ganito. Bagama’t
iba ang pananaw ng karamihan hinggil sa ganitong usapin. Hindi naman ito
nakaapekto sa kanyang mga kostumer para ‘di na tangkilikin ng mga ito ang
kanyang manok.
Sa
huli, huwag nating ikahiya ang pagkatalo dahil dito tayo natututo. Hindi naman
pupuwede sa sabong ay ‘di ka na matatalo dahil wala na sa iyong gustong lumaban
niyan. Pero kung pagpu-post ng video sa social media, nasa sabungero na kung
gusto niyang ipakita ang kanyang pagkatalo o hindi. Kung magpu-post lang ng
panalo ay huwag masyadong magyabang na para bang ‘di na natatalo ang manok.
Talo
man o panalo, i-enjoy lang ang sabong!
COMMENTS