Sa panahon ngayon ay laganap ay samu’t saring modus kahit saan mang parte ng Pilipinas. Kaya’...
Sa
panahon ngayon ay laganap ay samu’t saring modus kahit saan mang parte ng
Pilipinas. Kaya’t dapat lang maging maingat sa pakikipagtransakyon sa mga taong
‘di pa gaanong kilala. Kahit sa sabungan ay umiikot ang mga manloloko para
makapambiktima.
Isang
sabungero na nagngangalang Nathan Zurcaled ang nagpost sa social media na mayroong
nagngangalang Melchor Pineda Payawal na nagpakilalang mananari na pumunta sa
Ibaan at La Loma Cockpit at nag-alok na kumuha ng professional driver’s
licensce sa LTO sa mga empleyado na wala pang lisensya.
Magbibigay
lang diumano ng pera kay Payawal at kinabukasan ay mayroon na silang
professional license. Sinabi nito na may kapatid sya sa LTO ng Tayuman at ito
na ang bahalang mag-asikaso ng lisensya.
Huli na nang malaman ng mga nagbigay ng pera kay
Payawal na modus lang pala niya ang sinasabing pagkuha ng professional license.
Dahil kinabukasan ay ‘di na ito sumipot sa takdang oras na kanilang
pinag-usapan. May ibinigay naman itong contact number, pero ‘di na rin nila
ma-contact.
Nanawagan
si Zurcaled na sinuman ang nakakakilala kay Payawal ay ipagbigay alam lang sa
kanya sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa messenger.
Sa
panahon ngayon ay laganap ay samu’t saring modus kahit saan mang parte ng
Pilipinas. Kaya’t dapat lang maging maingat sa pakikipagtransakyon sa mga taong
‘di pa gaanong kilala. Kahit sa sabungan ay umiikot ang mga manloloko para
makapambiktima.
Isang
sabungero na nagngangalang Nathan Zurcaled ang nagpost sa social media na mayroong
nagngangalang Melchor Pineda Payawal na nagpakilalang mananari na pumunta sa
Ibaan at La Loma Cockpit at nag-alok na kumuha ng professional driver’s
licensce sa LTO sa mga empleyado na wala pang lisensya.
Magbibigay
lang diumano ng pera kay Payawal at kinabukasan ay mayroon na silang
professional license. Sinabi nito na may kapatid siya na director ng LTO Tayuman at ito
na ang bahalang mag-asikaso ng lisensya.
Huli na nang malaman ng mga nagbigay ng pera kay
Payawal na modus lang pala niya ang sinasabing pagkuha ng professional license.
Dahil kinabukasan ay ‘di na ito sumipot sa takdang oras na kanilang
pinag-usapan. May ibinigay naman itong contact number, pero ‘di na rin nila
ma-contact.
Nanawagan
si Zurcaled na sinuman ang nakakakilala kay Payawal ay ipagbigay alam lang sa
kanya sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa messenger.
![]() |
| Post ni Zurcaled |


COMMENTS