Larawan mula sa FB account ni Sir Joey Sino ba naman ang ‘di makakakilala kay Joey Sy. Eh, l...
![]() |
| Larawan mula sa FB account ni Sir Joey |
Sino
ba naman ang ‘di makakakilala kay Joey Sy. Eh, lagi mo siyang napapanood sa TV
bilang host ng Bakbakan Na TV. Lalong umingay ang kanyang pangalan nang
magkampeon siya sa World Slasher Cup noong 2015. Isa rin siyang lider, minsan
na siyang naging presidente ng Rizal Gamefowl Breeders Association at naging
isa sa mga Board of Directors ng NFGB (FIGBA na ngayon).
Minsan
na naming nakapanayam si Sir Joey. Napaka-down-to-earth ng mamang ‘to dahil
napakaswabeng kausap at walang kaere-ere sa katawan. Pinatuloy niya kami sa
kanilang bahay sa Marikina at sinamahan na magpabakuna ng mga sisiw sa KAAGPAS.
Pagkatapos ay saka kami tumuloy sa farm niya para mag-interview at mag-photo
shoot.
Naikuwento
niya sa amin na nagsimula siyang mahilig magmanok noong siya ay Grade 2 pa
lang. Pinag-aalaga siya ng manok ng kanyang lola. Inilalaban naman ito ng isa
niyang pinsan. Kapag nananalo ay pinapaulam siya ng tortang alimasag bilang
reward. Nang magbinata naman ay nakasama niya ang kanyang pinsan na si Joseph
Ferrer na isa ring magmamanok. Nag-i-import sila ng mga manok noon.
Noong
kabataan ni Sir Joey ay mahilig siya sa sport gaya track and field, judo at
karate. Mahilig talaga siya sa kumpetisyon. Ito rin ang dahilan kung bakit nahilig
siya sa sport na sabong dahil maaksyon ito. Napupuno ito ng challenge ‘ika nga.
Nagseryoso
naman siyang mag-breed ng manok nang minsang regaluhan siya ng kanyang ninong
ng trio na imported. May nakuha rin siyang inahin na nakuha kay Peter Uy na
kung tawagin ay Super Tyhoon. Ito ang inihalo niya sa katyaw na galing sa
kanyang ninong. Dito na diumano sila nakatikim ng maraming panalo sa sabong.
Ayon
kay Sir Joey, mga imported na manok ang nangingibabaw sa sabong noong panahon
na ‘yun. Kaya’t tuluy-tuloy lang ang ginagawa nilang pag-i-import ng manok ng
kanyang pinsan na si Joseph. Tumira pa nga siya sa Amerika noon at may naging
handler pa siya na Amerikano. Pero wala pang isang taon ay bumalik din siya ng
Pilipinas. Siyempre, dito naman niya uli ipinagpatuloy ang kanyang pagmamanok.
Pagbalik
ng Pilipinas, may dala-dala siyang mga manok kabilang na rito ang Doc Robinson
na hanggang ngayon ay iniingatan pa rin niya. Naging barkada niya si Eddie Boy
Ochoa at ang magkapatid na sina Joseph at Peter Chua na maraming mga manok
galing sa Amerika.
Kung
leadership naman ang pag-uusapan, hinawakan ni Sir Joey ang RGBA sa loob ng
pitong taon, mula 2007 hanggang 2014. Nang pamunuan niya ito ay naging maganda
ang direksyon ng asosasyon. Para mapasaya ang mga miyembro ay nagpapa-raffle pa
siya na ang mapapanalunan ay magagandang papremyo. Nagbi-breed pa nga siya ng
800 na manok para makatulong sa mga miyembro na problemado sa araw ng kanilang
laban dahil ‘di nakabuhay ng manok. Ganyan kasinsero si Sir Joey bilang isang
lider.
Bago
maging host ng Bakbakan TV si Sir Joey ay binuo muna niya ang website na
sabongplanet.com kung saan ay naglalabas siya ng mga video interview sa mga
breeder. Maliban dito, inilalagay din niya ang mga upcoming events ng NFGB o
kung paano makasali sa BAKBAKAN. Gumawa pa nga raw siya ng hotline sa internet
sa tulong ni Ka Lando Luzong. Sinasagot nila rito ang mga katanungan ng mga tao
hinggil sa pagmamanok. Hanggang sa Chicken Talk na programa ni Ka Lando ay nakasama
pa niya rito si Sirr Joey bilang co-host.
![]() |
| Si Sir Joey habang nasa presscon ng World Slasher Cup |
Bibilib
ka kay Sir Joey dahil noong manalo siya sa World Slasher Cup ay solo champion
lang siya. Naging partner niya sa laban si Atty. Benny Salazar at ang ginamit
nilang entry name ay Enzo Altavaz Viper. Pero bago magkampeon sa
prestihiyosongg derby na ito, naging maganda na rin ang kanyang score. Noong January
2013 ay nakakuha siya ng score na 7-1 at noong June 2014 naman ay nakakuha siya
ng score na 6-2. Kaya’t noong 2015 ay para bang ibinigay na sa kanya ng tadhana
ang kampeonato. Ibig lang sabihin, ‘di niya ito nakuha nang bigla kundi pautay-utay.
Kaya’t ibayong kasiyahan ang naramdamin ni Sir Joey nang makamtan niya ang
inaasam na kampeonato.
Karamihan
diumano nang gimamit nila nang magkampeon sila sa WSC ay Butcher Roundhead.
Mabibilis ang mga ito, mailag at ‘di nagpapauna sa kalaban.Tinatanya ang palo,
isa o dalawang palo lang gusto agad tapusin ang laban.Ganito naman ang gusto sa
manok ni Sir Joey. Ayaw niya ng manok na sugod lang nang sugod. ‘Di mo na
malaman kung tumatama pa ba o hindi. Para sa kanya, mas maganda ang manok na
mautak. Kung ihahambing sa boxing, gusto niya ang istilo nang namayapa nang si
Muhamad Ali at Mayweather na ilag-suntok ang ginagawa.
Wala
naman daw sikreto si Sir Joey, natural conditioning lang ang kanilang ginawa.
Gamay na niya ang pagkukundisyon nang manok dahil Pero maselan siya sa pagpili ng manok na
kanyang inilalaban. Inaalis niya ang mahihina hanggang sa ang malalakas na lang
ang matira.
Bagama’t
kinikilalang breeder o inirerespeto sa industriya ng sabong si Sir Joey ay ‘di
niya ito ginagamit sa negosyo. Hindi kasi siya nagku-commercial o nagbibenta ng
manok. Nagsisilbi lang kasing libangan sa kanya ang sabong. Para mapagbigyan
lang ang mga gustong makakuha ng manok sa kanya ay sisiw ang kanyang iniaalok
sa kanila. Sila na ang bahalang magpalaki.
‘Yan
si Sir Joey, Bakbakan na!


COMMENTS