Photo Credit: Women of Gamefowl Sport Ano nga ba itong tinatawag na ‘lady luck’ sa sabong? Masuwerte nga ba o may hat...
![]() |
| Photo Credit: Women of Gamefowl Sport |
Ano nga ba itong tinatawag na ‘lady luck’ sa sabong? Masuwerte
nga ba o may hatid na suwerte ang mga babae sa sabong?
Kung
may suwerte ang babae sa sabong, maaaring totoo ito. Isang halimbawa na lang r’yan
ang pagsikat ng mga sabungera na sina Osang Dela Cruz, Robie Yu Panis, Janine
Gonzales at iba pa. Pero ‘di nangangahulugan na porke’t babae kapag nagsabong
ay magiging kagaya agad nila na naging matagumpay sa larangan ng sabong.
Siyempre, nagtrabaho sila nang husto bago nila marating ang kanilang estado.
Kung
may lamang man ang mga babae sa pagmamanok ay ‘yung mas magaan ang kanilang mga
kamay sa paghawak o paghipo ng manok. Likas na sa kanila ang pagiging
metikoloso kung kaya’t nadala nila ito hanggang sa pagmamanok. Kumbaga masyado
silang maalaga dahil mayroon silang mother instinct na tinatawag. Pero kung si
Ma’am Osang ang tatanungin, hindi naman talaga nakalalamang ang babae sa
sabong. Manok naman ang naglalaban at walang kinalaman dito ang kasarian ng mga
naglalaban. Nataon lang na babae sila. Pero isa lang ang sinisiguro niya, kung
ano ang kayang gawin ng lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae.
Marahil
ay sadyang malakas lang ang dating kapag babae ang nagsasabong lalo na kung may
hitsura pa. Sino ba naman ang ‘ddi makapapansin kapag ganito ang nagsasabong? Nasanay
na kasi tayo na puro barako ang mga nakikita nating nagbibitaw sa ruweda bagama’t
marami nang mga babae na nagsasabong ngayon.
Pero
bakit nga ba ang ibang mga sabungero, kapag naglalaban ay nagpu-post sila sa
social media ng larawan ng babaeng seksi at sinasabi nila samahan sana ako ni ‘Lady
Luck’. May hatid nga bang suwerte ito sa kanila o kursunada lang nila itong
gawin? Wala namang masama rito. Gusto lang sigguro nilang may makitang maganda
bago maglaban para ganahan sila. Kung ang iba nga, anting-anting o senyales sa
manok ang pinaniniwalaan nilang magbibigay sa kanila ng suwerte.
May
kasabihan na sa likod ng matagumpay na lalaki ay mayroong isang babae sa likod
nito. Kung sa sabong, masuwerte ang sabungero na suportado ng kanilang mga
asawa. Ito ang masasabi na totong lady luck! Sabi nga ng iba, napakagaang
gumalaw dahil walang kumukontra kaya’t mas malapit sa suwerte. Kumpara kapag
ang partner mo ay ayaw na ayaw sa
pagmamanok mo. Baka sa kabubunganga nito ay lalapitin ka ng malas. Mawawala ka
kasi sa focus dahil puro away ang nangyayari sa bahay dahil sa pagmamanok mo.
Sa
huli, kahit naniniwala ka sa suwerte importante pa rin na naihanda nang maayos
ang iyong manok. Hindi sapat na sabihin na may kasama ka namang lady luck. At
least, matalo ka man ay ‘di ka manghihinayang dahil ginawa mo naman ang
nararapat na gawin.

COMMENTS