Photo Credit: Sabong Sports Kapag sinabi o naririnig ang pangalang Charlie “Atong” Ang, isa agad sa pumapasok sa isipan n...
![]() |
| Photo Credit: Sabong Sports |
Kapag sinabi o naririnig ang pangalang Charlie “Atong”
Ang, isa agad sa pumapasok sa isipan ng mga tao ay ‘bigtime ‘yan, malakas
pumusta o malakas magsabong ‘yan’. Maraming mga sabungero ang umiidolo sa
kanya, ‘di lang dahil sa lakas niyang magsabong kundi dahil may mata o marunong
siyang tumingin kung ano ang magaling na manok. Patunay lang d’yan ang mga
kampeonato na kanya nang nakuha kabilang na rin riyan ang pagiging BAKBAKAN
Champion.
Mga
sampung taong gulang palang si Boss Atong nang mahilig siya sa manok. Wala
namang nagsasabong o nagmamanok sa kanyang pamilya. Noong nakatira pa siya sa
Mandaluyong, ang mga kapitbahay niya ay pawang mga magmamanok kung kaya’t
naimpluwensiyahan siya ng mga ito. Nakikilagay pa siya ng manok sa mga kapitbahay
para ‘di makita ng kanyang tatay na tutol sa pagsasabong.
Teenager
na siya nang magsimulang pumusta-pusta sa sabungan. May mga oras na pagkagaling
sa paaralan ay sa sabungan na ang diretso niya. Kahit nang magkapamilya ay nagpatuloy
pa rin siya sa pagsasabong. Naging hanapbuhay pa nga niya ang pagsusugal sa
loob ng tatlong taon. Itinuturing niya ang kanyang sarili bilang dehadista. Kinukuwenta
niya palagi ang kanyang mga panalo at talo. Kapag kinuwenta niya ang lahat nang
tinayaan sa loob ng isang taon ay tumubo pa siya ng kung ilang milyon. Para sa
kanyaa, puwede mo namang gawing hanapbuhay ang sugal basta maingat ka.
Noong
araw ay mga Tagalog at Balulang ang
usong manok dahil ‘di pa naman uso noon ang Texas. Pumupunta pa siya sa mga probinsya
noon para bumili ng manok sa mga backyard breeder. Nagpupunta rin siya sa
Lemery, Batangas para mamili sa tiangge ng manok. Basta marunong lumipad at
tumatama ang paa ng manok sa kalaban ay kukunin na niya ang manok. Wala na nga
raw kundi-kundisyon noon diretso na agad sa laban.
Siyempre,
iba na ang mga manok ngayon kumpara noong araw. Kaya naman nag-a-upgrade rin ng
manok si Boss Atong. Naniniwala siya na importante ang quality ng manok pati na
rin ang pagsasanay sa mga ito. Pareho lang ang ginagawa niyang training sa stag
at cock. Pero hanggang ngayon, kapag
namimili ng panlaban tinitingnan pa rin niya ang lipad ng manok. Kapag tumama
sa itaas ang paa ng manok, tatama rin ito sa ibaba.
Sa
stag, cutting ang unang tinitingnan ni Boss Atong. ‘Di importante kung mababa o
mataas ang sukat ng manok. Kasi kapag mahaba raw ang legs ng stag ay ‘di
accurate ang palo nito. Hindi kagaya sa cock na walang problema kahit mahaba pa
ang legs. Matibay na naman kasi ang mga buto ng cock kumpara sa stag.
Kapag
namimili ng manok si Boss Atong, sa isang daang manok wala pang kalati ang
makukuha rito. Siyempre, ang mga nakuha ay sasalain pa. Halimbawa, sa 10 stag
derby ay dose pirasong manok ang ilalaban ng kanyang grupo.
Talagang
aktibo si Atong sa pagsasabong, sa loob ng isang buwan ay mahigit dalawang
daang manok ang kanyang nagagamit. Para sa kanya, very challenging ang
pagsasabong dahil wala itong katapusan.
Kung
dati-rati ay puro bili lang ang ginagawa ni Boss Atong, ngayon ay mayroong nagbi-breed
ng manok para sa kanya. Siya ang nagsasabi kung ano’ng mga manok ang gusto
niyang pagparesin.
Sadyang
napakalawak ng farm ni Atong, mistula itong isang resort at zoo dahil sa
napakaraming mga hayop ang nakalagay. Mayroong usa, ostrich, camel at iba pa. Napakasistematiko
rin ng kanyang farm dahil magkakahilera ang mga manok na magkakapareho ang
kulay. Kung bulik ay puro bulik lang. Ibang klase rin ang kanyang teepee na
gawa sa hardiflex dahil collapsible ito o natutupi. Para kapag nagkaroon ng
malakas na bagyo ay ‘di masisira ang bahay ng mga manok. Kumbaga, magagamit pa
ito nang matagal.
Bagama’t
malakas pumusta si Boss Atong ay ‘di na siya nai-excite sa pera. Nagsisilbi na
lang niyang libangan ang sabong. Sumasaya siya kapag nananalo siya dahil
nagkakaroon ng bunga ang kanyang pinaghirapan. Sa ngayon ay wala siyang ibang
hangad kundi matulungan ang mga breeder at sabungero. Kaya niya nga raw binuo
ang World Pitmasters Cup kasama ang ilang mga personalidad sa sabong. Maganda
kasi rito ang papremyo. Bukod dito ay mga nagsasabi rin na tumaas ang kanilang
benta dahil sa pagsali nila sa prestihiyosong derby na ito. Kaya’t dapat lang
diumano itong suportahan.
Bagama’t
nag-oorganisa ng mga palaban, pinapaalalahanan ni Boss Atong ang mga sabungero
na huwag magsusugal nang higit sa iyong kinikita dahil masama ‘yun. Dapat ay
20% lang ng kinikita ang gamitin sa pagsasabong at ang 80% ay gamitin na sa
pangangailangan ng pamilya.
Source: Bakbakan Na TV, Chicken Talk

COMMENTS