Talaga namang sikat na sikat sa Facebook ang sabungera at breeder na si Janine Gonzalez. Sa ngayon ay nasa 120k followe...
Talaga namang sikat na sikat sa Facebook ang
sabungera at breeder na si Janine Gonzalez. Sa ngayon ay nasa 120k followers na
ang mayroon siya. Marahil ay dahil na rin sa karisma na kanyang taglay. Malakas
kasi ang dating kapag ang nagsasabong ay isang babae lalo na kapag may hitsura.Madalas siyang ikumpara ng iba kay Robie Yu Panis na lumikha na ng pangalan sa mundo ng sabong sa Pilipinas. Pareho kasi silang malakas ang dating, 'ika nga!
Pero
kung si Janine ang tatanungin kung ano ba ang dahilan kung bakit siya
pina-follow ng mga tao, dahil ba sa manok o dahil sa pagiging Janine niya? Para
sa kanya, pareho lang. Kung ano raw ang nakikita mo sa social media ay ‘yun ang
personalidad niya sa totoong buhay. Siyempre, kasama na rin ang manok. Magaganda
at magagaling din naman ang kanyang mga manok.
Sa
ngayon, ang farm ni Janine na ttinatawag na J9 G ay matatagpuan sa Indang, Cavite. Dati ay nakabase siya
sa Bislig, Davao City.
Kung
record lang ang pag-uusapan bagama’t medyo bagu-bago pa lang na nagbi-breed ay
maganda na agad ang record ni Janine. Kung ‘di man nagcha-champion ay
nagra-runner up siya sa mga laban na kanyang sinasalihan. Ilan lang sa mga ito
ay noong mag-champion siya sa 5-Stag Derby sa Imus Sports Arena at 6-Stag Derby
sa New Davao Matina Gallera noong Setyembre ng nakaraang taon.
Kung
love life ang tatanungin, tila ‘di pa ito pinagtutuunan ng pansin ni Janine
dahil mas naka-focus siya sa manok. Pero kung sakaling magkakaroon siya ng
ka-partner, ang gusto niya ay ‘yung kagaya niyang mahilig sa manok. Oo nga
naman, mas maganda kasi kapag ang ka-partner mo ay pareho mo ng hilig dahil
magkakasundo kayo. Para kay Janine, ang sabong at pag-ibig ay
magkaugnay. Aniya, “Ang
sabong parang love. Minsan talo, minsan panalo. Pumusta ka sa kaya kang ipag
laban hanggang sa huli”.
Dahil
uso na ngayon ang pamemeke sa social media, dapat ay maging maingat. Hindi rin
kasi ligtas si Janine sa mga nanggagaya o nagnanakaw ng identity. Kaya huwag
basta maniniwala sa mga nagpapakilala na sila sa Janine Gonzales. Kapag
mayroong live video, siguradong siya ‘yun. Pero kung wala, peke ‘yun. Sa mga
interesado sa manok ni Janine, maaari siyang kontakin sa Facebook o ‘di kaya’y
tumawag sa numerong 09164501261.




COMMENTS