Photo Credit: Dragon Warrior Gamefarm Hindi lamang sa Bacolod may magagaling na mga magmamanok kundi pati na rin sa Batanga...
![]() |
| Photo Credit: Dragon Warrior Gamefarm |
Hindi
lamang sa Bacolod may magagaling na mga magmamanok kundi pati na rin sa
Batangas na lugar ng Batangas Breeders Club na pinamumunuan ni Fred Katigbak. Ito
ang tahanan ng BAKBAKAN champion na si Nerwin Ricohermoso at ng World Slasher
Cup na si Rene Adao.
Kung
patibayan lang ng manok ang pag-uusapan ay sumubukan mo ritong magsabong dahil
siguradong mapapalaban ka. Napakaraming sabungan sa lalawigan na ito. Halos
araw-araw ay may sabong. ‘Di rin
pahuhuli sa pustahan ang mga taga-Batangas, balita kasing malakas din ang
pustahan dito. Magaganda rin ang kanilang mga pa-premyo sa sabong. Halos ‘di
nahuhuli sa Maynila. Ayon sa aming source, minsan nagpa-premyo rin sila ng kung
hindi sasakyan ay baka at kalabaw! Aba’y ‘di lang pang-malakasan, may pang-masa
pa!
Ang
sabi ng isang breeder na taga-Rosario, Batangas na si Kennedy Laroza, hindi raw
sa pagyayabang, nahihirapan diumanong
manalo ang mga dayo sa kanilang lugar. Dahil na rin sa maraming magagaling na
magmamanok dito.
Isa
sa mga dahilan kung bakit maraming matitibay na manok sa Batangas ay dahil
maganda ang klima rito. Marami rin kasing mga bulubundukin dito kaya malamig
ang simoy ng hangin. Alam naman natin na mas maganda ang manok na inaalagaan sa
mataas na lugar kumpara sa kapatagan. Mas makinis ang balahibo at binti ng
manok ‘ika nga.
Maganda
ring mag-alaga rito dahil kung bibiyahe ka ng pa-Maynila para maglaban ay sandali
lang din ang biyahe. ‘Di mo na kailangang magbiyahe ng mahabang oras para lang
makapagsabong. Kaya naman maraming breeder na nagtatayo rito ng satellite farm
o mismong main farm na ang kanilang itinayo rito. Ilan lang sa mga kilalang
breeder o sabungero na mayroong farm dito ay sina Atong Ang, Gerry Ramos, Sonny
Magtibay, Nilo Magtibay, William Dy, Boyet Plaza, Joe Alimbuyuguen at iba pa.
Masarap
magsabong sa Batangas dahil pagkatapos ng laban ay mawawala ang pagod mo.
Marami kasi ritong mamihan, gotohan at bulaluhan na bukod sa mura lang ay
napakasarap pa! Ang dami pa ng servings. Kung ‘di ka takot sa cholesterol, tikman mo
rin ang kanilang lechon. Ang sabi ng iba, napansin nila na maganda rin ang tari
na gawang-Batangas. Bakit hindi eh nakilala sila sa paggawa ng balisong kaya’t ‘di
rin kataka-taka kung bakit de kalidad din ang kanilang mga tari.
Tara
na mga kasabong, pasyal na sa Batangas!

COMMENTS