‘Di pa nagtatagal buhat nang matapos ang unang edisyon ng matagumpay na World Pitmasters Cup kun...
‘Di pa nagtatagal buhat nang matapos ang unang
edisyon ng matagumpay na World Pitmasters Cup kung saan ay nagkampeon sina SAN
JUAN MOA Anthony Marasigan (SAN JUAN MOA) at nina Boyet at Grace Sison (R STAR EP). Sinabayan pa ito ng Battle of Champions.
Naglaban dito ang Philippine Versus USA. Tinalo ng Team USA ang Team
Philippines. Heto at may bagong schedule agad ang naturang prestihiyosong
derby.
Nag-aanyaya
ang mga bumubuo ng WPC na suportahan ang kanilang pasabong. Maglalaban-laban
muli ang mga malalaking breeder mula April 28 hanggang May 5. Ito ay gaganapin
sa Newport Performing Arts Theatre Resorts World Manila, Pasay City.
Ang
WPC ay pinangungunahan nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea, Sonny
Lagon Gov. Eddie “Bong” Plaza, sa tulong nina Ka Lando Luzong at Eric dela
Rosa,sa pakikiisa ng Resorts World Manila kasama ang Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP
na nagsisilbing gold sponsor.

COMMENTS